Connect with us

Viral

Vlogger na si Virgelyncares, hindi nagalit kay Mura sa masasakit na salitang sinabi nito bagkus ay mas inintindi at pinatawad pa niya ito!

Published

on

Marami nang sikat at kilalang vloggers ngayon o YouTubers kung tawagin ng iilan. Madalas ay napapamangha nila tayo sa kanilang mga talent, sa mga tips na kanilang ibinibigay o di kaya naman ay sa mga simpleng tulong nila sa mga taong talagang nangangailangan.

Isa na marahil sa mga sikat na vloggers ngayon si Virgelyncares. Marami na siyang natulungan at isa na nga sa mga ito ang dating sikat na komedyanteng si Mura.

Madalas na magkatambal noon si Mura at ang nasirang si Mahal. Lingid sa kaalaman ng publiko ay nasa probinsiya na ngayon si Mura kung saan sila nagsasaka ng kaniyang pamilya.

Natulungan din siya ni Virgelyncares kung saan talagang nakatulong ito sa kaniyang kabuhayan at sa kaniyang pamilya na rin. Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagulantang sa mga naging pahayag ni Mura sa kaniyang Facebook live.

Masasakit na mga salita kasi ang nasambit ni Mura patungkol kay Virgelyncares at talagang kapansin-pansin na wala sila sa maayos na sitwasyon. Una nang nilinaw ng vlogger na ang kikitain ng vlog o video ni Virgelyn ay mapupunta rin naman kay Mura.

Ngunit sadyang iba ang mga salitang sinambit ni Mura patungkol sa naturang vlogger.

“Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit.” Pahayag ni Mura sa kaniyang FB live.

“Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon.” Dagdag pa niya.

Hindi nagtagal at nakarating din ito kay Virgelyncares at doon na nga siya napilitang magpahayag rin ng kaniyang saloobin.
“Kumusta ka Mura? Sana ‘yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob,” Pahayag ni Virgelyncares.

“Bawas-bawasan natin Mura ‘yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao.” Dagdag pa nito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media