Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, ipinasilip ang bago niyang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga lang naman ng halos limang milyong piso!

Published

on

Maraming sa atin ang sumusubok na pumasok sa showbiz. Dahil totoo naman talagang madali ang kumita ng pera ditto na hindi mo kikitain sa pagkakaroon ng isang corporate job.

Ito marahil ang nag-uudyok sa maraming kabataan na unahin ang kanilang mga pangarap kaysa ang kanilang pag-aaral. Ngunit kalaunan naman ay marami ding mga artista ang nagpatuloy ng kanilang pag-aaral at naging matagumpay sa buhay.

Tulad na lamang halimbawa ni Vice Ganda. Siya ay 45 taong gulang na komedynte, talk show host, TV presenter, aktor, entreprenyur, at singer.

Tunay nga na isa na rin siya sa pinakamayamang artista ngayon sa bansa. Hindi na nakapagtatakang marami na siyang napundar hindi lamang para sa kaniyang kundi para na rin sa kaniyang pamilya.

Marami na siyang naipatayong bahay, nabiling mamahaling gamit, at magagarang sasakyan. Kamakailan lamang ay dumating na ang binili niyang bagong sasakyan na talaga namang napakaganda, napakaelegante, at napakamahal din. Enero 27, 2022 nang ibahagi niya sa kaniyang vlog na sa wakas ay dumating na ang kanaiyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade.


Nagdesisyon siyang bumili ng bagong sasakyan para na rin sa kaniyang kaligtasan. Dahil nitong nakaraan lamang ay ginamit daw niya ang isa sa kaniyang mga sasakyan ngunit nawalan daw ito ng preno!

Marahil ay matagal niya na kasi itong hindi nagagamit buhat nang magpandemya. Mayroon din siyang isa pang sasakyan ngunit sira naman daw ang airconditioning unit nito kung kaya naman tiyak na hulas na hulas na raw ang kaniyang make-up bago pa man siya makarating sa trabaho.

Bumili na siya ng bagong sasakyan upang ma-i-dispose na niya ang luma niyang mga sasakyan. Ibinahagi din niya na Agosto 2021 pa nang binili niya ito ngunit dahil puti lamang ang kulay na mayroon ang kompanya ay hinintay na niyang dumating ang kulay itim na gusto niya.

Talaga namang deserve din ito ni Vice dahil sa walang tigil at walang sawa niyang pagtatrabaho.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.