Connect with us

Showbiz

Throwback photo nina Maja Salvador, Bea Alonzo, at Julia Barretto, usap-usapan muli ng publiko!

Published

on

Marahil ay sariwa pa sa ating alaala ang matinding kontrobersiyang kinasangkutan noong Hulyo 2019 nina Gerald Anderson, Julia Barretto, at Bea Alonzo. Magkarelasyon noon si Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ayon sa ilang mga ulat, diumano ay ang aktor daw ang nag-ghosting kay Bea matapos nitong makasama si Julia sa isang proyekto. Walang kamalay-malay si Bea na ipinagpalit na pala siya ng kaniyang nobyo sa ka-love team nito.

Naging sobrang ingay ng isyu na ito ngunit hindi hinayaan ni Bea na malugmok siya dahil dito. Hindi siya pumayag na maging biktima ng kasinungalingan at panloloko ng sinuman.

Sa ngayon ay talagang napakaganda na ng kaniyang karera, at lalong-lalo na ng kaniyang buhay pag-ibig. Agosto 2021 nang kumpirmahin mismo ng aktres ang masayang relasyon nila ng modelo at aktor na si Dominic Roque.

Talaga namang bagay na bagay ang dalawa sa isa’t-isa. Samantala, muli namang kumalat ang larawan nina Maja Salvador, Bea Alonzo, at Julia Barretto kung saan makikita ang tila closeness ng tatlo.
Si Maja ay nakarelasyon ni Gerald taong 2013 hanggang 2015 habang si Bea naman ay dalawang beses nakarelasyon ang aktor kung saan ang pangalawa ay natuldukan noong taong 2019. Sa ngayon ay magkarelasyon na sila ni Julia Barretto na noon ay mariing itinatanggi ang pagiging third party sa hiwalayang Bea at Gerald.

Sari-sari din naman ang naging komento ng publiko patungkol dito. Ayon sa ilang mga netizens, talaga raw na magaling pipili si Gerald Anderson dahil napakaraming mahuhusay at magagandang aktres ang na-link at nakarelasyon nito.

Habang ang ibang mga netizens naman ay mayroong paglalarawan sa aktor na diumano ay babaero at hindi dapat tuluran ng mga kabataan. Narito ang ilan pa sa mga naging komento ng mga netizens:

“Gerald knows best.” Komento ng isang netizen.
“Kulang si Kim Chiu” Pahayag naman ang isa pa.
“Last woman standing is Julia Barretto.” Turan pa ng isa.
“Panalo talaga ang nasa gitna, si Julia Barretto” Pahayag naman ng isa pang netizen.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media