Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz, labis ang pasasalamat dahil sa magandang samahan ng kaniyang mga anak at ng step brother nilang si Diego Loyzaga!

Published

on

Ang aktres at singer na si Sunshine Cruz ay isa sa pinakamaganda at seksing celebrity moms ngayon sa industriya ng showbiz. Sa edad na 44 ay talagang napanatili pa rin niya ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Mayroon na siyang tatlong anak sa dati niyang asawa na si Cesar Montano. Ito ay sina Angelina Isabele, Samantha Angelene, at Angel Franchesca.

Sa loob ng 13 taon ay nagtiis daw ang aktres sa pang-aabuso at pambabae ng kaniyang dating asawa. Naging sobrang kontrobersiyal din ang kanilang hiwalayan noon.

Sa ngayon ay mayroon na silang kaniya-kaniya nilang buhay. Masaya na rin naman si Sunshine kapiling ang kaniyang tatlong mga anak.

Nakatagpo na rin siya ng panibagong pag-ibig sa katauhan ng half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay. Sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa dahil maging ang kaniyang mga proyekto ay hindi rin naman nauubos.


Madalas siyang mapanuod sa harap ng kamera, marami na rin siyang nagawang teleserye. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na maliban sa anak nila ni Cesar ay nagkaroon pa ito ng ibang anak sa mga nakarelasyon niya noon.

Tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Teresa Loyzaga kung saan nagkaroon sila ng isang anak. Si Diego Loyzaga na ngayon ay 26 na taong gulang na. Siya ang nakakatandang step brother ng mga anak ni Sunshine sa dating asawa.

Labis labis din naman ang pasasalamat ng aktres dahil nagkaroon ng mabuti at magandang relasyon ang magkakapatid. Madalas daw kamustahin ni Diego ang kaniyang mga kapatid at bumibisita rin ito sa bahay nila sa Parañaque.

“He visits my kids. May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children. But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids. Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong. Napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego.” Pagbabahagi ni Sunshine.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media