Connect with us

Viral

Rabiya Mateo, nagbahagi ng kaniyang larawan sa yearbook sinabing noon at ngayon ay maganda pa rin siya!

Published

on

Noon pa man, marami nang mga Pilipino ang talagang nakikilala sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa angkin nilang talento at angking kagandahan. Maging ang pag-uugali nating mga Pilipino ay talaga namang kilalang-kilala ng mga dayuhang nagkakaroon ng interes na pumasyal sa ating bayan.


Hindi lamang sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte ang talento ng mga Pilipino dahil maging sa pagandahan ay talagang hindi rin tayo magpapatalo. Marami na rin tayong sikat na mga beauty queens na nagpamalas ng kanilang pambihirang talino, talento, at kagandahan sa buong mundo.
Isa na sa kanila si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Mula nang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa isang prestihiyosong patimpalak ay mas marami nang mga tao ang nagnais na malaman ang maraming mga bagay tungkol sa kaniya.

Minsan na ring naibahagi ng beauty queen title holder ang kaniyang highschool yearbook. Kitang-kita ang natural niyang kagandahan sa kaniyang larawan.

Nagtapos siya ng highschool sa Saint Candida School-Hijas De Jesus Inc. sa Estancia, Iloilo. Ayon na rin sa mismong yearbook ni Rabiya, siya ay kilala ng kaniyang mga kaibigan bilang si Byang o Rab.

Mayroon ding ilang paglalarawan sa kaniya na nakasulat sa tabi mismo ng kaniyang larawan. Mayroon daw itong napakagandang ngiti at talaga namang maraming mga lalaki ang mabibighani sa angkin niyang kagandahan.

Noon pa man ay kayumanggi na ang kaniyang kulay ngunit hindi niya ito ikinahiya. Mayroon din siyang ilang karangalan na natanggap tulad na lamang ng First Honorable Mention, Best in Communication, at Performer of the Year.


Marami ang nagbahagi ng negatibong komento nila tungkol sa kaniyang larawan. Agad naman niyang sinagot ang mga ito at sinabing alam niya sa kaniyang sarili na siya ay maganda.

11 taon na ang nakalilipas buhat nang makuhanan ang naturang larawan. Wala pa raw siyang mga brace noon at hindi pa rin siya marunong maglagay at magsuot ng make-up.

Marami na daw nangyari mula noon at sa ngayon ay kampante siya sa kaniyang sarili na lumaki siya ng maayos at responsable.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media