Connect with us

Showbiz

Naaalala n’yo pa ba si Weiying ng Karate Kid noon? Ito na ang buhay niya sa ngayon!

Published

on

Sa paglipas ng panahon, talagang napakarami na nating nasilayan na mga bagong artista, bagong mga pelikula o di kaya naman ay teleserye. Ang ilan ay talagang tumatak sa ating puso at isipan tulad na lamang halimbawa ng Karate Kid na pinagbidahan noon nina Jackie Chan at Jaden Smith na anak ng sikat na artistang si Wil Smith.

Hunyo 11, 2010 nang i-release ang pelikulang Karate Kid. Ang kwento nito ay umiikot sa karakter ni Jaden Smith na si Dre Parker.

Siya ay 12 taong gulang at kinailangan nilang manirahan sa Tsina ng kaniyang ina. Mayroon siyang kaunting nalalaman sa Karate ngunit hindi ito sasapat upang malabanan niya ang b*lly na si Cheng.

Nakatagpo naman kaagad si Dre ng kaibigan sa katauhan ni Mr. Han na ginampanan ni Jackie Chan. Samantala, mayroon ding love interest si Dre, ang kaniyang magandang kaklase na si Mei Ying.

Ang kaniyang tunay na pangalan ay Wenwen Han. Kung noon ay isang cute at skinny girl siya sa kanilang pelikula, ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga.

Agosto 24, 1995 nang siya ay isilang. Sa edad na 12 taong gulang ay napabilang na siya sa mga casts ng Karate Kid. Dahil sa oportunidad na ito ay mas marami pang mga proyekto ang ipinagkatiwala sa kaniya.

Mas nakilala at hinangaan rin siya ng publiko. Dahil sa kasikatan na kaniyang nakamit ay patuloy pa rin niyang ginagamit ang pangalaang Weiying.

Sa ngayon ay mayroon na siyang mahigit sa 140,000 na mga followers online. Hindi lamang pala isang mahusay na aktres ang dalaga dahil mahilig din ito sa musika.

Sa katunayan ay mahilig itong tumugtog ng violin. Haggang sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang sa kaniyang mga proyekto at ang posibleng pagbabalik-tambalan nila ni Jaden Smith.

Tiyak na marami sa kanilang mga fans noon ang mag-aabang at susubaybay sa kanilang magiging proyektong dalawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media