Connect with us

Showbiz

Melai Cantiveros, inamin na hindi siya nagbibigay ng pera sa kaniyang mga kapatid o kamag-anak!

Published

on

Si Melisa “Melai” Cantiveros-Francisco ay 33 taong gulang na aktres, komedyante, at host. Taong 2009 nang manalo siya at maging Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Double Up”. Taong 2015 naman nang siya ay tanghaling kampeon ng unang season ng “Your Face Sounds Familiar”.

Sa ngayon ay marami pa rin ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang talento at sa pagiging totoong tao niya. Noon pa man kasi ay laking pasasalamat na niya dahil kahit siya ay isang probinsyana at hindi kagandahan ay minahal at tinanggap pa rin siya ng mga tao.

Dahil dito ay mas naging masaya siya sa kaniyang buhay lalo na ngayon na mayroon na silang dalawang anak ng kaniyang mister na si Jason Francisco na nakasama din niya sa PBB noon. Kamakailan lamang ay naitampok siya sa vlog ng kaniyang malapit na kaibigan na si Enchong Dee.

Dito ay naibahagi niya kung bakit hindi talaga siya nagbibigay ng pera sa kaniyang kapatid at mga kamag-anak. Noon pa man kasi ay itinuro na sa kanila ng kanilang ama na huwag umasa sa iba.

Kung kaya naman hindi talaga niya pinapayagan o pinapahintulutan ang ganitong klase ng pag-uugali. Noong dalaga pa raw siya ay talagang nililibre niya raw ang kaniyang pamilya lalo na kung sila ay mayroong family gathering o di kaya naman ay family outing.


Ngunit kahit kailan ay hindi raw siya nagbigay ng pera o kahit tuition fee ng mga anak ng kaniyang mga kapatid.

“Hindi ako magbabayad ng tuition fee nila. Hinihingan nila ako ng kapatid ng tuition fee, ‘bat ako magbabayad ng tuition fee, eh anak mo naman yan?” Paliwanag ni Melai.

“The best yung breadwinner pero dapat breadwinners, lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate, dapat nagta-trabaho ka rin.” Dagdag pa niya.

Tunay nga na dapat nating matutunan rin ang ganitong klase ng pag-uugali dahil mas magiging mabuti tayong kapatid o kamag-anak kung hindi natin kukunsintihin ang mga tao sa ating paligid sa mga hindi wastong bagay na kanilang ginagawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media