Connect with us

Showbiz

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, masayang nagbakasyon nang magkasama sa probinsiya!

Published

on

Ilang taon na rin nating nararanasan ang pandemyang ito sa buong mundo. Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi pa rin talaga natin makasanayan ang ganitong klase ng buhay.

Lalo na para sa maraming mga kabataan na labis na apektado ng pandemyang ito. Buti na lamang, bilang mga Pilipino ay matatag tayo at positibo sa buhay.

Sa kabila ng napakaraming pagsubok sa buhay ay talaga namang nananatili pa rin tayong nakatayo hindi ba? Sa gitna ng pandemya ay kaniya-kaniya pa rin tayong paraan kung paano natin ma-e-enjoy ang buhay lalo na kung kasama naman natin ang ating mga mahal sa buhay.

Halimbawa na lamang ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Kamakailan lamang ay namataan silang magkasama sa probinsiya.
May mga larawan din sila habang nakasakay sila sa isang kabayo. Talaga namang marami ang kinilig dahil kitang-kita sa mga larawan kung gaano kaalaga si Matteo sa kaniyang misis.

Halatang takot at kinakabahan si Sarah ngunit nakaagapay naman sa kaniyang mabuti ang kaniyang mister. Noong nakaraang taon lamang ay mayroong usap-usapan na diumano ay buntis na raw ang Pop Princess ngunit wala pa ring kumpirmasyon mula sa mag-asawa.

Ito ay matapos mag-post si Matteo sa kaniyang social media account patungkol sa pagnanais niyang bumili ng isang family SUV. Sa kabila nito ay marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang umaasa na mayroon na ngang paparating na baby ang dalawa.

Kung wala pa man ay ayos lang din dahil sa masaya rin naman sila kasama ang isa’t-isa. Sa naging bakasyon nilang ito ay marami ang natuwa sa kanila dahil sa pagiging simple nilang mag-asawa at sa pagpapaunlak nila sa ilan sa mga tao roon na makapagpa-picture kasama sila.

Tunay ngang bagay na bagay sila para sa isa’t-isa. Nakakalungkot lang na hindi pa ayos ang pamilya ni Sarah at ang mag-asawa ngunit darating din naman daw ang panahon at ipagkakaloob din ng Diyos ang matagal na nilang dalangin na maging maayos na ang lahat.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media