Connect with us

Viral

Mapagmahal na anak, niregaluhan ang kaniyang ina ng isang flower bouquet na drawing bilang sorpresa sa kaarawan nito!

Published

on

Bilang isang anak ay wala tayong ibang gusto para sa ating mga magulang kundi ang maibalik natin sa kanilang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap nila para sa atin. Kung kaya naman marami sa atin ang talagang nagpupursige sa pag-aaral upang kalaunan ay magkaroon ng magandang trabaho at sa wakas ay mabigyan ng magandang buhay ang ating mga magulang.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwento na ito ng isang ina at ng kaniyang anak. Mulat sila sa hirap ng buhay noon pa man.

Sumapit ang ika-37 taong kaarawan ni Mary Jane, siya ang ina ni Airiz Alcaraz na 15 taong gulang na Grade 10 student ngunit wala silang perang pambili o panghanda man lamang. Dahil dito ay talagang mabusisi siyang naghanda ng sorpresa para sa kaniyang ina.

Gumawa siya ng birthday banner at niregaluhan din niya ang kaniya ina ng isang bouquet ng bulaklak. Kahit drawing lamang ang mga bulaklak na ito ay tuwang-tuwa pa rin ang kaniyang ina na si Mary Jane dahil sa ginawa ng kaniyang anak na sorpresa para sa kaniya.

Ang nagbahagi ng kanilang larawan sa social media ay walang iba kundi si Trisha Mostoles. Nilagyan niya ito ng caption at sinabing “Walang money kaya nag-drawing na lang.”

Talaga namang napakahirap at nakakaantig ng pusong makita at masaksihan ang ganitong kwento. Ngunit marami sa atin ang talaga namang madalas na nakakalimot at tila nababalewala na ang mga bagay at mga taong nasa ating paligid.

Sa ngayon ay marami nang mga netizens ang nagnanais na mabigyan ng tulong ang mag-ina at kahit papaano ay mabigyan ng katuparan ang pangarap ni Airiz na mabigyan ng totoong bouquet ng bulaklak ang kaniyang ina. Napakapalad ni Mary Jane dahil mayroon siyang isang mapagmahal na anak tulad ni Airiz.

Napakaganda ng naging pagpapalaki niya sa kaniyang anak, talaga namang dapat tularan at maging inspirasyon sa publiko.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media