Connect with us

Showbiz

Kristine Hermosa, pinakilig ang kanilang mga tagahanga nang sabihin nitong “Ang sarap mong kasama sa buhay.” sa mister niyang si Oyo Boy Sotto!

Published

on

Isa na marahil sa mga hinahangaan nating mag-asawa sa showbiz ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto. Sa kabila ng mga sikat na personalidad na napapabalitang hiwalay na, nagkalabuan o nagkaroon ng problema, isa na yata sila sa mga nakakamanghang mag-asawa sa showbiz.


Hindi lamang sa kadahilanang pareho silang maganda at gwapo kundi talagang naroroon pa rin ang tamis ng kanilang pagmamahalan sa paglipas ng panahon. Kamakailan nga lamang ay binati ng aktres ang kaniyang kabiyak para sa kaarawan nito.

Hindi lamang birthday ni Oyo dahil anniversary din pala nilang mag-asawa. Noong isang taon lamang ay isinilang ni Kristine ang ikalimang anak nila. Sila ay nabiyayaan ng limang mga anak.

Umani pa nga ng maraming komento ang kaniyang larawan pagkatapos niya mismong manganak dahil talaga namang napaka-blooming ng aktres at hindi mo aakalain na kakapanganak pa lamang niya nang mga oras na iyon.

“Today may be a little extraordinary birthday for you but thank you for enduring me… Mas lalo ka gumagwapo ‘pag kasama kitang nagtitiis at nahihirapan. Joke!” Pahayag ni Kristine.

“But on a cheesy note, you are the best thing. Ang sarap mong kasama sa buhay, Hun. I love you so much!!!! Happy birthday,” Dagdag pa ng aktres.

Tumugon din naman ang mister niyang si Oyo Boy at sinabing: “Happy 11th my By!!! Sino ba namang mag-aakala? Iba talaga plano ni Lord. The best!”


Tunay nga na hindi madali ang buhay may asawa. Ngunit sa pagsasama nina Oyo Boy at Kristine ay marami sa atin ang talagang naniniwala sa forever.

Hindi lamang ito dumarating sa atin dahil sa kailangan din nating kumilos at gumawa upang makamtan ang forever nating ito. Higit sa lahat, natutunan din natin sa kanila na dapat maging sentro ng relasyon ang Panginoon at tiyak nang malalampasan ang lahat ng pagsubok at problema sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media