Connect with us

Showbiz

Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ng kaniyang fiancé na si dating DILG secretary Mel Sarmiento!

Published

on

Si Kris Aquino ay isang kilalang personalidad sa bansa. Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa pambihirang husay niya sa harapan ng kamera kundi dahil sa isa rin siyang mahusay na host at businesswoman.

Mula rin siya sa angkan ng mga Aquino – ang kaniyang ina na si dating Pres. Cory at Kuya niyang si dating Pres. Noynoy ay naging mga dating pangulo ng Pilipinas.

Kamakailan lamang ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko ang pagbura niya ng mga videos at larawan nila ni Mel sa kaniyang social media. Hindi naman nagdalawang-isip ang “Queen of All Media” na aminin sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nagbahagi ng kaniyang saloobin at ilang mga screenshots si Kris Aquino kung saan makikita ang malinaw at huling mensahe sa kaniyang ni Mel. Hindi na rin daw kasi nagiging maayos ang kaniyang kalusugan ngayon kung kaya naman nagdesisyon na rin si Mel na tanggapin ang alok ni Kris na siya ay maging malaya na.

Abala rin daw kasi si Mel ngayon sa maraming mga bagay at madalas siyang nasa labas kung kaya naman malaki ang posibilidad na mas makasama ito kay Kris. Maaalalang Oktubre lamang ng nakaraang taon nang isapubliko nila ang nalalapit nilang kasal ngunit makalipas lamang ang halos tatlong buwan ay nagdesisyon na silang maghiwalay.

Marami ang nalungkot at nanghihinayang sa pangyayaring ito ngunit para kay Kris ay ito na ang pinakamainam niyang naging desisyon dahil hindi rin naman magiging maayos ang kanilang relasyon dahil sa kasalukuyang estado ng kaniyang kalusugan. Sa ngayon ay nagpaplano na rin siyang lumipad patungong Amerika upang doon na tuluyang magpagamot.

Ilan sa mga katagang mababasa sa huling mensahe ni Mel kay Kris ay “I do love you, but I guess this is goodbye for your life of greatest importance, given that you have Josh and Bimby to take care of. You will be forever in my heart.” Pagkatapos daw ng paglilinaw na ito ni Kris ay hindi na siya muli pang magsasalita patungkol sa isyung ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media