Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang mga naggagandahan at nagseseksihan na celebrity mommies na nasa 40s na ang edad!

Published

on

Hindi biro ang pinagdaraanan ng mga kababaihan sa panahon ng kanilang pagbubuntis o pagdadalang-tao. Napakaraming pagbabago ang kanilang nararanasan, hindi lamang pisikal, emosyonal, o sikolohikal. Talagang napakalaking hamon nito ngunit napakagandang biyaya rin naman para sa isang mag-asawa. Sa panahon natin ngayon, napakarami na nating kilalang personalidad na nagawang mapanatili ang angkin nilang kagandahan at kaseksihan kahit na nga sila ay mga mommies na at nasa 40s na ang edad. Narito ang ilan sa kanila:

LUCY TORRES-GOMEZ, 47


Si Lucy Torres-Gomez ay 47 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ngayon ang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Leyte. Taong 1998 nang ikinasal sila ng matinee idol at mahusay na aktor na si Richard Gomez. Biniyayaan sila ng isang anak, si Juliana Marie Beatriz T. Gomez na ngayon ay 21 taong gulang na. Kahit nasa 40s na si Lucy ay talagang napakablooming pa rin nito. Kitang-kita naman sa kaniyang social media accounts kung saan siya madalas magbahagi ng kaniyang mga larawan at videos.

AUBREY MILES, 43


Si Aubrey Santos Sandel ay mas nakilala at hinangaan natin bilang si Aubrey Miles. Siya ay 43 taong gulang na. Isa siyang television host, singer, modelo, at aktres. Siya ay mayroon nang tatlong mga anak sina John Maurie Sandel Obligacion, Hunter Cody Sandel Miller, at Rocket Miller. Going strong pa din ang 18 taong relasyon nila ng kaniyang partner na si Troy Montero. Hanggang ngayon ay napakaganda at napakaseksi pa rin niya.

SUNSHINE CRUZ, 44


Si Sunshine Cruz ay isa rin sa mga sikat na celebrity moms na talagang napanatili ang angkin nilang kagandahan at kaseksihan sa paglipas ng panahon. Kahit ang kaniyang edad ay nasa 40s na ay talaga namang balingkinitan pa rin ang kaniyang pangangatawan. Mayroon silang tatlong anak na babae sa dati niyang mister na si Cesar Montano na sina Angelina Isabele, Samantha Angelene, at Angel Franchesca. . Napawalang-bisa ang kasal nila noong taong 2013. Sa ngayon ay masaya na siya sa mag-aanim na taon na nilang relasyon ng half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay.

INA RAYMUNDO, 46


Si Rina Marie Padilla Raymundo naman ay mas nakilala natin bilang si Ina Raymundo. Siya ay isang aktres, modelo at singer. Sumikat siya ng husto sa kaniyang 1995 commercial ng San Miguel Beer na “Sabado Nights”. Sa edad na 46 ay mayroon na silang limang anak ng kaniyang Ukrainian-Canadian businessman na asawang si Brian Poturnak. Ito ay sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage, at Minka Eve.

ANGEL AQUINO, 48


Si Angel Aquino ay isang mahusay din na aktres sa Pilipinas. Mayroon na rin siyang dalawang mga anak sina Iana at Thea. Sa tindig at angking kagandahan ni Angel ay hindi mo aakalaing nasa 48 na ang edad niya. Sa kaniyang edad ay talagang napakaganda at napakaseksi pa rin niya.

DONNA CRUZ, 44


Si Donna Cruz Yrastorza-Larrazabal naman ay mas nakilala natin noon bilang si Donna Cruz. Siya ay isang mahusay na singer at aktres. Nakatanggap ng “double platinum certification” ang kaniyang self-titled debut album na “Donna”. Taong 1998 nang siya ay ikinasal sa kaniyang fiancé na si Potenciano “Yong” Larrazabal III na isang ophthalmologist mula sa Cebu. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak sina Belle, Cian, at Gio. Hanggang ngayon ay hinangaan pa rin siya dahil sa angkin niyang kagandahan at kahusayan sa pag-awit. Napanatili niya rin ang kaniyang balingkinitang pangangatawan.

GENEVA CRUZ, 45


Si Geneva Mendoza Cruz naman ay mas sumikat bilang si Geneva Cruz na bahagi rin ng angkan ng mga Cruz sa showbiz. Ang ilan sa kaniyang mga hit songs ay ang “Anak Ng Pasig” at “Kailan”. Isa rin siya sa miyembro ng iconic music group na Smokey Mountain.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media