Connect with us

Showbiz

Isang binatang Chinese na ibinenta ng kaniyang mga magulang pagkapanganak, ayaw nang makita at makapiling pa ng kaniyang mga magulang matapos masawi ang kaniyang adoptive parents!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya ay hindi mapapantayan ng gaano man kalaking salapi. “Priceless” nga kung ilarawan ng marami sa atin dahil kahit gaano ka pa kayaman kung hindi naman kumpleto at masaya ang iyong sambahayan ay tila wala pa ring saysay ang lahat.

Marahil ito ang naging rason ni Liu Xuezhou, 17 taong gulang na Chinese teenager, na naulila ng lubos sa edad na 4 na taong gulang matapos masawi ng kaniyang mga adoptive parents. Inampon siya ng mga ito sa pamamagitan ng isang middleman.

Ibinenta siya ng kaniyang tunay na mga magulang pagkapanganak sa kaniya ngunit nasawi din naman ang kaniyang adoptive parents dahil sa isang pagsabog. Sa murang edad ay talagang mag-isa na lamang siya.

Ngunit pinilit niyang maging positibo at matatag sa kabila ng pagsubok at hamon ng buhay na ito. Sa paglipas ng maraming taon ay pinangarap niyang makilala at makasama ang kaniyang tunay na mga magulang.

Kung kaya naman ginawa niya ang lahat matagpuan lamang sila. Nagbahagi siya ng isang post online at matapos nito ay tinulungan din siya ng lokal na otoridad upang matagpuan ang kaniyang mga magulang.
Pagkatapos niyang sumailalim sa isang DNA test ay natagpuan na niya ang kaniyang ama na si Ding Shuangquan. Gayundin ang kaniyang ina na hindi na pinangalanan pa.

Nakilala at nakausap naman ni Liu ang kaniyang mga magulang na pareho nang may kaniya-kaniyang mga pamilya. Ngunit kahit isa sa kanila ay walang may nais na kuhanin siya.

Natatakot daw ang kaniyang ama na hiwalayin siya ng kaniyang bagong asawa kung kukupkupin siya nito habang ang kaniyang ina ay sinabihan siya na “There would be someone else if your adoptive parents didn’t buy you.” Talaga namang napakasakit na marinig ito mula sa iyong tunay na mga magulang.

Ngunit wala na rin naman siyang magagawa. Kahit papaano ay nagpapasalamat na rin siya dahil sa nakilala niya ang mga ito at nalaman niyang may 4 pa pala siyang mga kapatid at isang half-sibling.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media