Connect with us

Viral

Isang beteranong piloto, umalis sa kaniyang kompanya sa loob ng 40 taon para lamang makasama at makatrabaho ang kaniyang dalawang anak sa kanilang karibal na airline!

Published

on

Marahil ay madalas na nating marinig ang mga kataga na kayang tiisin ng anak ang kanilang mga magulang ngunit kailan man ay hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kahit anong hirap at pagsasakripisyo pa ay tiyak na kayang kaya gawin ng mga magulang kung ito naman ay para sa kanilang mga anak.

Isa na marahil sa pinakamapalad na mga anak sina Safia Anisa at ang kapatid niyang babae. Ibinahagi niya sa kaniyang social media account kung gaano sila kapalad dahil sa ginawang ito ng kanilang pinakamamahal na ama.

Nang makapagtapos sa flying academy ang magkapatid ay nabigyan sila ng pagkakataong makapagtrabaho sa AirAsia. Ang mas maganda pa rito ay pinahintulutan sila ng kompanya na magtrabaho sa iisang ruta, dahilan upang magkaroon sila ng pagkakataon na lumipad nang magkasama.

Noon pa man ay pangarap na ng kanilang ama na makasama sila sa kaniyang paglipad. Piloto rin ang kanilang ama at 40 taon na itong nagtatrabaho sa Malaysian Airlines.

Sa edad na 58 ay magreretiro na sana siya at talagang malaki ang makukuha niyang retirement package sa kaniyang kompanya dahil sa kaniyang naging serbisyo nang mahabang panahon. Ngunit hindi mahalaga sa kanilang ama ang salapi dahil sa nagdesisyon pa rin itong mag-resign bilang isang senior pilot para lamang makapasok sa AirAsia.

Ang kaniyang trabaho rito ay isang junior pilot! Bumaba man ang kaniyang ranggo, nawala man ang malaking salapi na maaari niyang makuha mula sa kompanyang pinagtrabahuhan niya sa loob ng 40 taon ay hindi niya ito alintana.

Masayang masaya pa rin siya sa kaniyang naging desisyon dahil sa makakasama niya ang kaniyang dalawang anak na babae at matutupad ang kaniyang pangarap na makapagpalipad ng eroplano kasama sila. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng ganitong klase ng magulang.

Walang ibang mahalaga kundi ang kaniyang sariling pamilya at ang kaniyang pangarap na makasama sila bago man lamang siya magretiro. Nakakabilib talaga!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media