Connect with us

Viral

Isang ancestral house sa Cebu, nanatiling nakatayo kahit na sira-sira na ang lahat ng bahay at mga puno sa paligid nito matapos ang bagyong Odette!

Published

on

Dito sa Pilipinas, tiyak na sanay na ang maraming mga Pilipino na sa tag-ulan at tag-araw na panahon. Mula noong mga bata pa lamang tayo ay talagang ganito ang panahon sa ating bansa.

Marami na sa atin ang talagang nakasanayan na ito lalo na ang mga ilang mga bagyo na talagang nananalanta sa bansa. Isa na marahil sa pinakamatinding bagyo na ating naranasan ay ang bagyong Odette na nananalanta nito lamang Disyembre.

Bago ang araw ng kapaskuhan ay marami pang mga pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arian. Napakaraming lugar kasi ang nasalanta at talagang napinsala.

Ilang linggo ring nawalan ng kuryente ang ilang mga lugar, pahirapan ng pagbili at pagkuha ng gasoline at inuming tubig sa ilang mga bayan. Ngunit nanatili pa ring positibo at matatag ang maraming mga Pilipino.

Marami din namang mga pribadong organisasyon, mga sikat na personalidad at maging mga pulitiko na nagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong larawan ng isang matandang bahay na tila ba hindi man lang natinag ng bagyong Odette.


Ayon sa mga napauna nang ulat, ang ancestral house na ito ay naitayo noon pang 1939. Ang mga larawan ng naturang bahay ay kuha mismo ni Fr. Chris Amores. Kapansin-pansin ang matinding pinsala na natamo ng mga katabing bahay nito.

Maging ang poste sa paligid at mga puno ay nagtumbahan na din. Ngunit ang ancestral house na ito sa Sibonga, Cebu ay talaga namang nakatayo pa rin ng matatag.

Maging ang mga bubong nito ay tila ba hindi man lamang hinangin. Ayon din naman kay Ben Cabrido na dati nang tumira sa bahay na ito noong 1970s at siya ring apo ng nagpatayo ng bahay ay talagang de-kalidad na materyales daw ang ginamit dito.

Talagang maganda ang pagkakagawa kung kaya naman nanatiling matibay ang naturang bahay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media