Connect with us

Viral

Isang ama nagpa-contest para sa anak, ni-reject ang pag-aapply ng isang binata upang maging asawa ng kaniyang anak dahil sa sobrang gwapo nito!

Published

on

Maraming mga netizens ang sumubok na lumahok sa pa-contest ng isang Thai na lalaking ito. Siya ay nakilala bilang ang mapagmahal na ama na si Anont Rotthong.

Siya ay isang matagumpay at mayamang durian trader. Ibinahagi niya sa kaniyang FB account ang US$300,000 o halos Php15, 378,000, ang kaniyang durian business, isang bahay, at sampung sasakyan para sa lalaking makakatuluyan ng kaniyang 26 taong gulang na anak na babae.


Para sa kaniya, ang huling desisyon ay manggagaling pa rin sa kaniyang anak. Ngunit kamakailan lamang ay nagdesisyon na siyang ihinto na ang contest na kaniyang isinapubliko noon.

Ito ay dahil sa madalas na siyang naaabala ng mga interesadong lalaki na tumatawag sa kaniyang cellphone. Halos nasa 10,000 ang naging bilang ng mga interesadong aplikante sa pa-contest na ito ni Anont.

“Interested son-in-law, please stop calling me. I’m dying because my phone has been ringing off the hook. Let me rest.” Pahayag ni Anont sa kaniyang social media account.

Maraming naging interesado sa contest na ito tulad na lamang halimbawa ng 28 taong gulang na si Premyosapon Khongsai.

” I’m interested. I am 28 years old. My family also grows durian in Trat province. We have over 300 trees… I can weather the sun and the rain. I can drive a 10-wheel truck and tractor. Please consider me, father Anont. Thank you.” pahayag ni Khongsai kalakip ang kaniyang gwapong larawan.

Agad naman itong ni-reject kaagad ni Anont dahil sa pakiramdam daw niya ay sasaktan lamang nito ang kaniyang anak dahil sa angking kagwapuhan nito. Sa ngayon ay natuldukan na rin ang paligsahan na ito ni Anont ngunit tuloy pa rin ang kaniyang unang naging pahayag na magbibigay siya ng US$300,000 na pabuya para sa lalaking mapipili at pakakasalan ng kaniyang anak.

Talaga namang marami ang nag-aabang kung sino ang mapalad na lalaking makakatanggap ng pabuya na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media