Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, kinumusta ng kaniyang fan tungkol sa pagiging asawa sa kaniya ng kaniyang mister na si Derek Ramsay!

Published

on

Marami ang tiyak na sasang-ayon patungkol sa pagiging “life-changing” ng pag-aasawa o paglagay sa tahimik. Hindi man lahat tayo ay pinalad na mahanap ng maaga ang taong makakasama natin panghabang-buhay, marami pa rin naman ang masaya na ngayon at kuntento sa piling ng kanilang minamahal.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging enggrandeng kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay noong Nobyembre 11, 2021. Ang kanilang napakagandang kasal ay naganap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bataan.

Dinaluhan ito ng kanilang mga malalapit na kamag-anak at kaibiga. Naroon din ang kanilang mga anak na sina Elias Modesto (panganay na anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) at si Austin na anak naman ni Derek sa dati niyang asawa na si Mary Christine Jolly.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang sa bawat larawan at videos na ibinabahagi ng dalawa sa kanilang mga social media accounts. Madalas kasi silang mag-asaran at magkulitan sa mga videos na ito. Marami din ang kinikilig sa dalawa kahit pa nga naging mabilis ang takbo ng kanilang relasyon.

Kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na nagtanong kay Ellen kung kamusta na nga ba si Derek bilang isang asawa. Agad namang sinagot ng aktres ang katanungan at sinabing napaka-sweet at caring nito.


Palagi din daw siya nitong pinagpapatay ng ilaw at pinagbubuksan ng pinto. Para daw kay Ellen ay itinuturing niyang “overgrown muscular toddler” ang kaniyang mister na si Derek.

“Sweet, caring, can crack my back (pwede ng chiro and mashista), fun, funny, entertaining, annoying person I can’t live without, Testosterone overload, Kapoi ka lalis,” Komento ni Ellen.

“Super hyper, balanced, lami kung magsiga akong mata, lami sad kung mag piyong, humot, wai buot, driven, half-focus/half-adhd, turns off the lights for me, opens the door for me all the time, tough, talkative.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media