Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna at Derek Ramsay nagbahagi ng ilang “intense stunt” nila para sa isang photoshoot!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay ay 33 taong gulang na aktres, modelo, at internet celebrity. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mula sa isang mayamang pamilya si Ellen bago pa man niya pasukin ang industriya ng showbiz.

Ang kaniyang mga magulang ay nagmamay-ari ng mga hotels, condominiums at ng Queensland na isang sikat na motel sa na matatagpuan sa Cebu, Maynila, at Davao. Mayroon ding sariling templo ang kaniyang yumaong ina na ipinagawa ng kanilang pamilya bilang pag-alaala dito.

Una nang na-link si Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz. Ang kanilang relasyon ay nabiyayaan ng isang anak, si Elias Modesto. Nasa poder ni Ellen ang kanilang anak ngunit “present father” pa din naman si John Lloyd dahil sa naglalaan din ito ng oras at panahon para sa kanilang anak.


Mapalad din naman si Elias dahil mayroon siyang stepfather sa katauhan ni Derek Ramsay na ang turing sa kaniya ay isang tunay na anak rin. Nobyembre 2021 nang sila ay ikinasal sa isang enggrandeng kasalan sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.

Whirlwind romance man kung ituring ng publiko ang kanilang naging relasyon dahil sa napakabilis ng mga pangyayari, halata naman ang kaligayahan sa mga mata ng mag-asawa. Madalas din silang nagbabahagi ng kanilang mga larawan at videos online na palaging pinupusuan ng kanilang mga tagahanga.

Sa kanilang post ay ibinahagi ng mag-asawa ang video ng kanilang intense stunt kung saan makikitang karga karga ni Derek ang kaniyang misis na nakasabit naman sa kaniyang katawan. Talaga namang napaka-flexible ni Ellen at napakalakas ni Derek.

“How can I not love my husband,” caption ni Ellen.

“Buti na lang talaga macho ka,” dagdag pa niya.

Hindi ito ang unang beses na nagbahagi ng mga larawan at videos ang mag-asawa online. Madalas din silang magbahagi ng kanilang mga kulitan at asaran na talaga namang nagpapakilig rin sa marami nilang mga tagahanga.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media