Connect with us

Showbiz

Barbie Forteza, sinabi sa isang interview na siya ang pinakamagandang girlfriend ng nobyong si Jak Roberto!

Published

on

Madalas na nating marinig na talagang magulo at maingay ang mundo ng showbiz. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang nagnanais na pasukin ang mundong ito dahil napakadali naman talagang kumita lalo na kung mayroon kang angking kagandahan at talento.

Ngunit sa panahon ngayon, hindi lahat ay nagtatagal at nananatili sa industriya na ito. Ilan na marahil sa mga promising stars ngayon sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Si Barbara Ambas Forteza o mas sumikat bilang si Barbie Forteza ay 24 na taong gulang na aktres at modelo. Hindi maipagkakaila na marami na siyang nagawang pelikula at teleserye kung saan napatunayan niya talaga ang pambihirang talento niya sa pag-arte.

Hindi lamang sa career matagumpay si Barbie dahil maging sa kaniyang lovelife ay talaga namang blessed din siya. Sa darating kasing Mayo 2022 ay magdiriwang na sila ng ikalimang taong anibersaryo nila ni Jak Roberto.

Si Jak ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Sanya Lopez. Isa ring mahusay na aktor si Jak at maraming kababaihan din ang nagkakagulo sa kaniyang maskuladong katawan.

Nang minsang maging guest si Barbie sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong 2021 ay talaga namang pinagpiyestahan ng publiko ang naging komento niya patungkol sa mga nakarelasyon na ng kaniyang nobyong si Jak. Talagang nagmarka daw ang sinabi ng aktres na siya ang pinakamagandang girlfriend ng kaniyang nobyo.

Bigla din namang bawi si Barbie ay sinabi nitong “eme eme lamang iyon” ayon na rin sa naging panayam sa kaniya ni Gorgy Rula. Kilala naman daw siya ng mga dating nakarelasyon ni Jak at batid nilang biro lamang ang sinabing iyon ni Barbie.

Tiyak rin daw ang aktres na kapag napanuod ito ng mga ex-girlfriends ni Jak ay matatawa na lamang sila lalo na kung sa TBATS daw ang guesting niya.

“Nakilala mo naman ako, very transparent naman ako. Hangga’t kaya kong maging honest, magiging honest ako. At the end of the day, showbiz is showbiz, So, showbizin ko rin sila,” Dagdag pa ni Barbie.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media