Connect with us

Showbiz

Atasha Muchlach, pinagkakaguluhan ngayon online dahil sa papasa raw itong beauty queen ayon sa maraming mga netizens!

Published

on

Noon pa man ay talagang mahilig na tayong mga Pilipino sa mga prestihiyosong patimpalak. Hindi lamang sa isports at pagpapamalas ng talento ngunit maging sa pagandahan ay hinding-hindi rin naman talaga tayo magpapahuli.

Ilang korona na rin ang naiuwi ng ating bansa pagdating sa mga sikat at prestihiyosong beauty pageants. At hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong sumusubok na maiuwi ang korona para sa ating bayan.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng larawan ang anak ng power couple na sina Aga Muchlach at Binibining Pilipinas Universe 1994 na si Charlene Gonzales na si Atasha Muchlach ng isang larawan at video sa kaniyang Instagram account. Kapansin-pansin ang angking kagandahan at tindig ng 21 taong gulang na dalaga suot ang kaniyang floral dress.


Maraming mga netizens din ang nakapansin na tiyak na papasa bilang isang beauty queen si Atasha. Laking tuwa naman ng kaniyang mga magulang na makita ang kanilang anak na kasalukuyang nasa United Kingdom para sa pag-aaral nito.

Habang ang kakambal naman niyang si Andres ay nasa Spain para din sa pag-aaral nito.

“My love…Miss you. See you soon,” komento ni Charlene sa larawan ng kaniyang anak.

“(Fire emoji) Naman! Haha happy new year! See you soon! Love you very much,” pahayag naman ni Aga na proud na proud din sa kanilang anak.

Taong 2019 ay sinagot ni Atasha ang tanong sa kaniya sa isang interview kung gugustuhin ba niyang pasukin ang showbiz o ang pagsali sa mga beauty pageant. Ang sagot ng dalaga ay “ I don’t mind… Either one is okay.”

Sa ngayon ay marami talaga ang nag-aabang kung papasukin nga nina Atasha at Andres ang showbiz tulad ng kanilang mga magulang. Mahuhusay na mga artista kasi ang kanilang mga magulang na sina Aga at Charlene kung kaya naman talagang marami ang nasasabik na makita rin sila sa harapan ng kamera.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media