Connect with us

Viral

15-anyos na modelong may Down Syndrome, nakilala at sumikat dahil sa kaniyang ina na hindi pumayag sa payo sa kaniya ng doktor na siya ay ipaampon!

Published

on

Tulad ng maraming mga magulang, labis din ang kagalakan ni Renee Garcia mula sa Colorado Springs nang masilayan ang kaniyang anak na si Kennedy. Ngunit nang makita ng kanilang doktor na mayroon palang Down Syndrome si Kennedy, pinayuhan nila kaagad si Renee na ipaampon na ito dahil sa aasa na lamang daw ito sa kaniyang ina at hindi na tuluyang magiging mature.

Ngunit hindi pumayag ang ina ni Kennedy. Talagang sinikap niyang itaguyod at palakihin ng maayos ang kaniyang anak.

Nais din niyang patunayan na mali ang mga doktor na ito sa pagsasabi sa kaniyang dapat na niyang ipaampon ang kaniyang sariling anak kaysa alagaan at kalingain ito. Tunay nga na naging matagumpay ang anak ni Renee na si Kennedy dahil 15 taon ang lumipas at naging sikat itong modelo. Higit pa rito ay nagkaroon din ito ng nobyo.

Ilan sa mga napagtrabahuhan ni Kennedy ay ang “Justice Clothing”, “American Girl”, at “Disney”. Nang marinig ni Renee ang sinabi ng mga doktor noon tungkol sa pagpapa-ampon sa kaniyang anak ay talagang pinanghinaan siya ng loob.

Buti na lamang at mayroon ding isang nanay na nagsabi sa kaniya na alam niyang magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak dahil siya ang nanay nito. Humarap din naman sila sa matinding pagsubok kung saan kinailangang sumailalim ni Kennedy sa isang spine surgery na kalaunan ay nagtagumpay din naman.


Pagkatapos nito ay nagkaroon siya ng interes sa pag-awit at pagmomodelo. Ilan sa mga napirmahan niya nang kontrata ay ang “KMR Diversity” at “Dream Talent Management” na siya ring nagturo at huminang sa kaniyang talento.

Dahil dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-audition sa Hollywood at maging sa New York City. Sa ngayon ay mayroon ding nobyo si Kennedy, si Matthew na 19 na taong gulang at tulad niya ay mayroon ding Down Syndrome.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media