Connect with us

Viral

Nagbago ang buhay ng mga mangingisdang ito matapos nilang makadiskubre ng suka ng balyena na nagkakahalaga ng higit sa 200 bilyon!

Published

on

Yemen ang isa sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo. Marami sa kanila ang nangingisda bilang pangunahing kabuhayan nila. Sinong mag-aakala na magbabago pala ang buhay ng grupo ng mga mangingisdang ito dahil lamang sa suka ng sperm whale carcass na kanilang nagtagpuan?

Nagkakahalaga pala ito ng IDR 200 billion! Nakakita kasi sila ng “ambergris” na isang solid, waxy, dull gray, blackish substance na matatagpuan lamang sa digestive system ng mga sperm whales na ito.

Natagpuan nila ito sa Gulf of Aden sa Southern Yemen. Isa sa mga mangingisda mula sa Seriah ang nagsabi sa 35 mangingisda na nakakita siya ng isang whale carcass at maaaring ito ay mayroong ambergris.

Nang makita nilang patay nap ala ang naturang whale ay mayroon silang naamoy na tila masangsang na amoy na nanggagaling sa tiyan nito. Agad naman nila itong hinila sa pangpang upang masuri.
Nang hiwain nila ito ay tumambad sa kanila ang 127 na kilo ng ambergris o mas kilala rin sa tawag na “treasure of the sea” o “floating gold”.

“That is an unimaginable price. We are all poor. We never thought this thing would give us such a huge amount,” Pahayag ng isa sa mga mangingisda.

Marami ang talagang naghahanap ng ambergris dahil sa ginagamit ito ng mga sikat na kompanya para mas tumagal ang mga pabango nila. Maaari itong ibenta sa halagang $50,000 USD (Rp. 712 million) o higit 2.5 milyong piso kada kilo.

Naibenta ito ng mga mangingisda sa halagang $1.5 million USD (halos Rp. 213 billion) o mahigit 75 milyong piso! Naibenta nila ito sa isang trader mula sa United Arab Emirates.

Pinaghatian nila ng patas ang kanilang pinagbentahan at ang iba namang bahagi nito ay ipinamahagi nila sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang komunidad. Tunay nga na nagbago ang buhay nila dahil sa natagpuan nilang suka ng balyena sa karagatan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media