Connect with us

Viral

Mister, muling pinakasalan ang dati niyang asawa matapos malaman na siya ay may malalang sakit upang mas maalagaan pa niya ito!

Published

on

Sa dami ng mga bagay sa ating paligid na maaaring maging dahilan upang sumuko tayo sa buhay, mayroon pa rin palang mga dahilan upang kumapit pa tayo at magtiwala na matatapos din ang mga pagsubok at sakripisyo natin sa buhay. Sa mga panahong ito ay talagang makikita natin kung sino ang mga taong nanatili at mga taong sumuporta sa atin.

Tulad na lamang nang naging karanasan ng mag-asawang ito sa Henan, China. Si Chen Zhenfeng ay 39 na taong gulang na habang ang kaniyang dating misis ay 35 taong gulang naman.

Siyam na taon na ang nakararaan nang sila ay magkakilala at kaagad na magkapalagayan ng kalooban. Nagpakasal silang dalawa ngunit hindi nila inaasahan na makukunan pala ang kaniyang misis ng hindi lamang isa kundi dalawang beses.

Nang mangyari ito ay unti-unti nang nagkaroon ng problema ang kanilang pagsasama na naging dahilan upang magdesisyon na rin silang maghiwalay. Nauwi sa diborsyo ang kanilang kasal na inakala nang lahat ay tapos na.

Ngunit ilang taon pa ang lumipas at muling kinamusta ng mister ang kaniyang asawa. Laking gulat ni Chen dahil hindi pala muling nag-asawa ang kaniyang pinakamamahal.

Nalaman din niyang mayroon itong malubhang karamdaman. Mayroon palang Uremia ang kaniyang dating misis na isang “end-stage” na sakit sa bato.

Naapektuhan na rin ito ang kaniyang paningin kung kaya naman halos hindi na rin siya makakita. Sa kabila nito ay inalok pa rin niya ng kasal ang kaniyang dating asawa at sinabing handa siyang alagaan ito hanggang sa maging mabuti na ang kaniyang kalagayan.

Hindi na nais pa ng dati niyang misis na pahirapan siya o maging pabigat sa kaniya lalo na at malaki rin ang kanilang mga bills sa ospital at sa kalagayan niya ngayon na talagang hinang-hina siya.

“Even if you can’t see anymore, I can be your eyes. Don’t cry, I’m willing to give up one of my kidneys even if it means I may live a few years less and you can live longer,” Pangako ni Chen sa kaniyang misis.

Handa rin daw siyang akuin ang responsibilidad at samahan ang kaniyang misis habang siya ay nabubuhay. Talaga namang nakakaantig ang kanilang tunay at wagas na pagmamahalan, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.