Connect with us

Viral

Misis inamin na nagparamdam daw ang kaniyang yumaong mister sa kaniya upang matagpuan nila ang tinago nitong savings na nagkakahalaga ng Php3,000,000!

Published

on

Pamahiin man o tunay na karanasan, maraming mga Pilipino ang talagang makapagsasabi na marami sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ang nagpaparamdam sa kanila. Marahil ay mayroon pang mga “unfinished business” ang mga ito o di kaya naman ay may nais silang ipabatid sa kanilang mga naiwan.

Halimbawa na lamang ang namayapang mister ng isang balo mula sa Pampanga. Ayon kay Nanay Mercedes ay palagi nagpaparamdam at nagpapakita sa kaniyang panaginip ang kaniyang nasirang asawa na si Manuel.

Masipag na mangingisda ang kaniyang asawa noong nabubuhay pa ito at talaga namang napakatipid din. Sa kaniyang pagsusumikap sa trabaho ay nakapagpundar ito ng isang bangka na nagkakahalaga ng 1 milyong piso!

Dahil dito ay mas dumami ang kaniyang kita at nagkaroon ng pagkakataon na makapagpundar ng isang maayos at magandang bahay para sa kaniyang asawa at 11 mga anak. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay inatake sa puso ang matanda na talagang ikinagulat ng kaniyang buong pamilya.

Bago pa man siya tuluyang lumisan ay nasabi pa nito sa kaniyang mga anak na mayroon siyang nakatagong pera sa kaniyang unan at sa suot niyang shorts. Nagkakahalaga ito ng Php300,000!

Ito ang ginamit nila sa pagpapalibing sa yumao nilang ama. Ngunit dahil na rin sa pagkawala ng haligi ng kanilang tahahan ay unti-unti na nilang naibebenta ang kaniyang mga naipundar na ari-arian.

Tila hindi ito nagustuhan ni Tatay Manuel kung kaya naman madalas itong nagpaparamdam sa kaniyang asawa na si Nanay Mercedes at sinasabing sirain na ang kanilang bodega na kagagawa lamang pala! Noong una ay ayaw pang pumayag ng mga anak ngunit kalaunan ay ginawa na rin nila ito.

Nagulantang sila at talagang hindi sila makapaniwala nang makita nilang mayroong savings si Tatay Manuel dito na nagkakahalaga ng Php3,000,000! Hinati ito ni Nanay Mercedes sa kaniyang mga anak, tig-Php100,000 ang bawat isa at ang natira ay inilagak niya sa bangko bilang savings.

Tunay nga na kahit sa kabilang buhay ay nais pa ring matulungan ni Tatay Manuel ang kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media