Connect with us

Showbiz

Mga sikat na celebrities na may kahanga-hanga pa rin na kagandahan at kaseksihan sa edad na 50s, kilalanin!

Published

on

Madalas na nating marinig ngayon na “Age is just a number.” Tunay nga na marami nang mga indibidwal ang nakapagpatunay na ang edad ay numero lamang. Nagagawa pa rin kasi nilang mapanatili ang kanilang angking kagandahan at kaseksihan sa kabila ng kanilang edad. Pagdating sa pagiging fit at seksi hindi talaga magpapahuli ang mga sikat na personalidad na ito. Kilalanin natin sila:

CHERIE GIL


Si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas nakilala natin bilang si Cherie Gil ay 58 taong gulang na aktres. Sa edad na siyam na taong gulang ay nag-aartista na siya kung kaya naman marami na siyang natanggap na mga karangalan. Sa paglipas ng panahon ay mapapansin pa rin kung gaano kaganda at kaseksi ang aktres. Talagang naalagaan at napanatili niya ang kaniyang balingkinitang pangangatawan.

AMY AUSTRIA


Si Amy Austria Ventura ay 60 taong gulang na aktres. Marami na siyang nagawang mga kahanga-hangang palabas sa telebisyon at pelikula. Kahit pa senior citizen na siyang maituturing ay nanatili pa ring “young-looking” at “blooming” ang aktres.

ZSA ZSA PADILLA


Si Esperanza Perez Padilla o mas nakilala bilang si Zsa Zsa Padilla ay 57 taong gulang na contemporary singer, recording artist, at aktres sa bansa. Marami na siyang natanggap na karangalan mula sa mga pagtatanghal na nagawa niya sa loob at labas ng bansa. Isa rin siya sa mga sikat na personalidad sa bansa na napanatili ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

CARMI MARTIN


Si Carmita Martin ay 58 taong gulang na aktres, modelo, at komedyante. Hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz at kapansin-pansin din na napanatili pa rin niya ang angkin niyang kaseksihan at kagandahan.

EULA VALDEZ


Si Julia Amorsolo Valdez o mas hinangaan natin bilang si Eula Valdez ay 53 taong gulang na aktres. Talaga namang isa rin siya sa mga pinakamahuhusay na aktres sa bansa. Kahit mahigit 50-anyos na siya ay mapapansin pa rin ang angking kagandahan at kaseksihan niya.

POPS FERNANDEZ


Si Maria Cielito “Pops” Lukban Fernandez ay 55 taong gulang na singer, entertainer, entrepreneur, TV host at aktres. Sa edad na 55 taong gulang ay talagang mapapansin pa rin ang kaniyang flawless skin at seksing pangangatawan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media