Connect with us

Viral

Kasal ng tatlong lalaki sa Thailand, sinuportahan ng kanilang pamilya at mga kaibigan!

Published

on

Ang pagpapakasal ay isang sagrado at mahalagang pangyayari sa buhay ng dalawang tao. Kung kaya naman talagang pinaghahandaan at pinaglalaanan ito.

Ngunit hindi tulad ng nakasanayan nating kasal ng dalawang taong nagmamahalan, ikinasal ang tatlong gay men na ito sa Thailand sa isa’t-isa! Hindi ito tinutulan ng kanilang mga kaibigan at pamilya bagkus ay sinuportahan pa nila ang mga ito.

Si James Chandmthong ay 30 taong gulang na dietician at pitong taon na silang may relasyon ni Noah Amsapchan, 22 taong gulang na dancer. Naging masaya at kuntento sila sa kanilang pagsasama ngunit nang makilala nila ang 24 na taong gulang na dancer na si Nong Toei Buutawat sa isang dance club ay kaagad silang nagkapalagayan ng loob.

Kalaunan ay naging magkarelasyon na ang tatlo! Mahal na mahal pa rin nina Noah at James ang isa’t-isa ngunit mahal din nila si Nong. Hindi sila naghiwalay bagkus ay nadagdagan pa ang pagmamahalan nila dahil kay Nong.

Kinumbinsi nilang dalawa na pumayag si Nong sa kanilang kakaibang relasyon. Naging “throuple” sila at namuhay ng magkasama.

Makalipas naman ang ilang taong pagsasama ay nagdesisyon din silang tatlo na magpakasal. Laking pasasalamat nila sa kanilang mga kaibigan at kapamilya dahil todo ang suporta ng mga ito sa kanila.


Sa isang Buddhist ceremony ay nagpakasal ang tatlo sa kanilang probinsiya sa Chanthaburi Province, Thailand. Buddhist monks ang nag-bless sa kanilang pag-iisang dibdib.

Masayang masaya din naman ang ina ni Nong na suportado din ang kasal ng kaniyang anak. Dalangin niyang makapamuhay ng payapa si Nong at ang kaniyang dalawang asawa.

Ang gay marriage ay hindi pa kinikilala sa ilalim ng batas sa Thailand. Maging ang domestic partnership at live-in arrangement ay hindi rin talaga kinikilala dito lalo na ang same s3x marriage.

Ngunit sa ilang mga lugar tulad ng Pattaya, Bangkok, at Phuket ay tanggap na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media