Connect with us

Viral

Ito pala ang magagandang mga atraksyon sa New Zealand na dapat nating mabisita minsan sa ating buhay!

Published

on

Ang bansang New Zealand ay kilala sa mga “natural wonders” tulad na lamang ng mga Natural Park, mga world-class beach. Maaari ding ma-enjoy dito ang skiing at surfing. Marami din ang nagba-bungee jumping at skydiving dito. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay marami pa palang mga lugar dito ang hindi pa nadidiskubre ng marami sa atin.

HOBBITON – Marahil ay pamilyar ito sa marami dahil ang lugar na ito sa New Zealand ay naitampok mismo sa sikat na palabas na “The Lord of the Rings” at “The Hobbits Films”. Ang Hobbiton ay binuo talaga para sa pelikulang ito ngunit hindi na nila binago at tinanggal pa dahil ginawa na rin nilang atraksyon.

LAKE WANAKA – Napakaganda at talaga namang “breathtaking” ang lawa na ito. Ito ay matatagpuan sa South Island sa New Zealand malapit sa Mount Aspiring National Park. Kung ikaw ay isang nature lover, talaga namang para sa iyo ang tourist attraction na ito. Dito din makikita ang Willow na tinaguriang “most photographed tree” sa bansa. Ang background nito ay ang Southern Alps kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami ang dumayo rito upang masilayan ang “Lone Tree of Lake Wanaka”.

WAITOMO GLOWWORM CAVE – Aakalain mong isa lamang itong special effect sa isang pelikula ngunit ito ay matatagpuan sa Northern Island ng New Zealand. Kilalang kilala ang lugar na ito sa dami ng mga “Arachnocampa luminosa” na matatagpuan dito. Tanging sa New Zealand lamang matatagpuan ang glowworn species na ito.

ARROWTOWN – Ang lugar na ito ang isa sa pinakamagandang lugar sa bansa. Isa ito sa mga kilalang mining town noong Otago gold rush. Matatag pa ring nakatayo ang mga cottage, tindahan, hotel at bahay-sambahayan dito na mula pa noong 1800s. Mamamataan din dito ang Chinese settlement sa dulo ng Arrow River na itinayo pa ng mga Chinese miners noong 1868.

LAKE TAKEPO – Bahagi ito ng UNESCO Dark Sky Reserve na matatagpuan sa Mackenzie Basin. Makikita din dito ang bughaw na kulay ng lawa at mga bundok sa Southern Alps. Kung hilig mo ang stargazing ay hindi mo rin ito dapat palagpasin ang Dark Sky Reserve na matatagpuan sa Aoraki Mackenzie International Dark Sky Reserve.

LAKE PUKAKI – Tinagurian itong “Most Beautiful Lake in New Zealand” hindi lamang dahil sa napakagandang lawa dito kundi dahil na rin sa kabundukan ng Mount Cook na talagang masisilayan mo dito. Isa din ito sa tatlong Alpine Lakes sa Mackenzie Basin sa South Island ng New Zealand.

MOUNT COOK – Ang Mount Cook ang tinaguriang “highest peak” sa Southern Alps. Mayroon itong sukat na 3,724 meters. Madalas na natatakpan ng snow ang mga kabundukang ito sa buong taon. Sikat din ito sa mga hiking trails tulad ng Tasman Glacier Lookout, Hooker Valley at Sealy Tarns.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media