Connect with us

Viral

Isang matapat na magsasaka ang umani ng papuri mula sa publiko matapos niyang magsauli ng napulot niyang Php36,000 sa kinauukulan!

Published

on

Kung ikaw ay makakapulot ng malaking halaga ng pera sa isang pampublikong sasakyan o pampublikong lugar, ano kaya ang un among gagawin dito? Magkaka-interes ka kayang angkinin na ito dahil wala rin namang nakakita sayo nang ito ay iyong mapulot o di kaya naman ay gagawin mo kung ano ang nararapat at isasauli mo ito sa tunay na nagmamay-ari nito?

Marahil ay marami sa atin ang pipiliin na lamang na itabi ito at gamitin sa personal nating pangangailangan. Lalo na at mahirap pa rin talaga ang buhay ng maraming pamilya hanggang sa ngayon.

Ngunit para sa isang magsasaka, hindi basehan ang estado sa buhay upang hindi niya gawin ang tama. Kamakailan lamang ay talagang hinangaan ng publiko ang isang matapat na magsasakang ito na taga-Digos City dahil sa nagbalik lang naman siya ng halagang Php36,000 na kaniyang napulot sa tabing-kalsada.

Ang matandang magsasaka ang nakapulot ng perang ito sa Sitio Calamuhoy, Barangay Kapatagan, Digos City, Davao del Sur, Sabado ng umaga. Ang matapat na magsasaka ay nakilala bilang si Rosito Laranjo, 62 taong gulang.

Ang bag na kaniyang napulot ay mayroon palang Php36,649 na laman sa loob nito. Agad naman niya itong ini-report sa Barangay Kapatagan.


Hindi makapaniwala ang may-ari ng bag na maibabalik pa sa kaniyang muli ang kaniyang pera. Ayon naman kay Police Senior Master Sergeant Henry Abarcar, duty tourist police ng Digos City police, nang maibahagi ang katapatan itong sa social media ay marami ang nagnais na magpaabot ng tulong kay Lolo Rosito.

Tunay nga na kahanga-hanga ang ginawang ito ng matapat na magsasaka. Nawa ay mas marami pang mga Pilipino ang maengganyo na tumulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya.

Wala rin namang mawawala sa atin kung pipiliin nating tumulong sa ibang tao hindi ba? Masarap sa pakiramdam na kahit hindi tayo mayaman, kaunti man ang ating pera ay nakakagawa naman tayo ng maraming mabubuting bagay sa ating kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media