Connect with us

Viral

Isang masipag na fishball vendor ang nakapagpundar ng sarili niyang bahay na dalawang palapag!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ngayon ang talagang nangangarap pa rin na magkaroon at makapagpundar ng sarili nating bahay. Iba pa rin kasi talaga ang ligayang mararamdaman natin sa oras na makapagpundar na tayo ng sarili nating tahanan para sa ating pamilya.

Ngunit sa panahon natin ngayon, hindi naman natin maipagkakaila na mahirap talaga ang buhay at tila isang suntok sa buwan ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa. Ngunit aakalain ba ninyong para sa isang fishball vendor na ito, naging posible ang pagkakaroon niya ng dalawang palapag na bahay!

Talaga namang kailangan ng matinding pagsusumikap upang maisaktuparan natin ang ating mga pangarap. Ang masipag na fishball vendor na ito ay walang iba kundi si Michael Gripal Relucio.

Ibinahagi niya sa “Simple House in the Philippines” Facebook page ang kaniyang naipundar na tahanan para sa kaniyang pamilya.

“Isa po akong fishball vendor. Nagbunga po ang aking pinaghirapan. Konti na lang po matatapos na.” Pagbabahagi ni Michael.

Ang dalawang palapag na naipundar niyang bahay ay mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang pagtitinda. Kapansin-pansin din naman na gawa sa bata ang kaniyang bahay at mayroon ding mga tiles para sa exterior walls nito upang mas maging maganda ang kanilang tahanan.


Mayroon din itong aluminum screen door at sliding glass windows. Sa ikalawang palapag ay sinigurado niyang mayroon silang steel railing upang maihiwalay ang munting terrace nila sa kanilang mga kwarto.

Mayroon ding wall lights ang maraming sulok ng kanilang bahay. Hindi pa ito tapos ngunit nakapagbahagi na rin si Michael ng ilang mga larawan ng interior nito.

Mayroon silang mini bar at mapapansin na nakahiwalay na rin ang kanilang kitchen/dining room sa kanilang sala. Mayroon din silang malaking telebisyon at stereo.

Ang kanilang sahig ay mayroong tiles at malapit na ring matapos ang kanilang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media