Connect with us

Viral

Isang kamangha-manghang single mother ang nakapagtaguyod ng kaniyang 13 anak nang mag-isa at ngayon ay nakapagtapos na silang lahat ng PHD!

Published

on

Mahirap ang magpalaki at mag-alaga ng mga anak. Ngunit para sa single mother na ito ay walang imposible. Sa edad na 52 taong gulang ay nabiyuda na si Wang Shuzhen nang masawi ang kaniyang mister na si Li Haomin dahil sa paglubog ng sinasakyan nitong barko noon.

Sa pagkakasawi niyang ito ay dala niya ang natitirang pera ng kanilang pamilya kung kaya naman talagang naging doble dobleng paghihirap sa kanila ang pagkawala ng kanilang ama. Mayroong 13 mga anak ang mag-asawa at nang mawala na ang kanilang ama ay ang ina na nila mismo ang sumuporta at bumuhay sa kanilang lahat.


Hindi alintana ni Wang Shuzhen ang hirap at mga sakripisyong kailangan niyang gawin para sa kaniyang pamilya. Nais niya talagang bigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak.

Napakaganda ni Wang Shuzhen nang kaniyang kabataan kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mahulog ang loob ng kaniyang asawa sa kaniya. Nagkaroon sila ng 8 mga anak na babae at 5 mga anak na lalaki.


Kinailangan ni Wang Shuzhen na magbanat ng buto at pasukin ang lahat ng trabaho na kaya niya. Buti na lamang at marami siyang kayang gawin tulad na lamang ng calligraphy, poetry, at marami pang iba.

Siya rin mismo ang naghahanda ng pagkain ng kaniyang mga anak, naglilinis ng kanilang tahanan at naghahatid sa mga ito sa eskwela. Nakita ng kaniyang mga anak ang kaniyang paghihirap kung kaya naman bilang ganti ay kumikilos din talaga sila sa bahay at tumutulong sa kanilang ina.

Nagtitinda din silang magkakapatid ng diyaryo at pumasok sa ilang mga part-time jobs. Dahil sa pagsasakripisyo at pagmamahal ni Wang Shuzhen ay napagtapos niya ng pag-aaral ang kaniyang mga anak.

Lahat sila ay nakapagtapos ng PHD habang ang tatlo sa mga ito ay nakatanggap din ng karangalan na “Top Ten Outstanding Young Americans”. Talaga namang nakakabilib at isang napakagandang inspirasyon nito para sa maraming mga Pilipino.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media