Connect with us

Viral

Inahing manok, hinalimhiman ang tatlong mga kuting na akala niya yata ay kaniyang mga sisiw!

Published

on

Maraming kakaibang bagay tayong nasasaksihan sa araw-araw at talaga namang marami sa mga ito ang talagang nakakamangha. Hindi man tayo sanay sa mga ganitong bagay at pangyayari ngunit nakakatuwa pa ring malaman ang mga ganitong kaganapan.

At nakakatuwang ibahagi sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ng kakaibang closeness ng inahing manok na ito at ng kaniyang mga kuting.

Marahil ay madalas tayong makakita ng mga pusa na palaging inaabangan at hinahabol ang mga sisiw hindi lamang upang paglaruan kundi kainin na rin ng buhay. Palagi na lamang ganun at tila ba ang hirap nang iwasan nang ganoong sitwasyon lalo na sa mga taong nag-aalaga ng iba’t-ibang klase ng mga hayop.

Dahil dito ay talagang hindi na natin nakitang magkasundo ang mga alaga nating manok at pusa. Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang makita ang video na ito ng isang inahing manok at tatlong mga kuting na tila nililimliman nito.

Nang pumasok daw sa kulungan ng kaniyang mga alagang manok ang lalaki ay tila tumayo at naging alerto ang inahing manok kahit pa nga kilala naman siya nito. Tila nais protektahan ng inahin ang kaniyang mga alagang kuting.

Samantala, sobrang komportable naman ang tatlong kuting kasama ang inahing manok. Natutuwa naman ang lalaki dahil hindi talaga madalas makita ang mga pusa at manok na magkasama.

Madalas ay magkaaway ang mga ito o di kaya naman ay talagang magkalayo. Ngunit mayroon din palang mga sitwasyon kung saan pinoprotektahan nila ang isa’t-isa.

Patunay lamang ito na maaari pala talagang magtulungan ang dalawang hayop o dalawang indibidwal. Hindi imposible ang pagtutulungan kahit gaano pa kalaki ang inyong pagkakaiba.

Kung kaya ngang magpakita ng pagmamalasakit at pagkalinga ng manok na ito sa tatlong mga kuting, tiyak na kayang-kaya din natin na gawin ito sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media