Connect with us

Showbiz

Edu Manzano at Cherry Pie Picache, inamin na nagkaroon sila ng relasyon noon 20 taon na ang nakararaan!

Published

on

Marami ang nabigla nang mapabalita ang pagkakamabutihan nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache nito lamang Nobyembre 2021. Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang mga sweet photos nilang magkasama sa kanilang bakasyon sa Estados Unidos kasama ang kanilang mga kaibigan.

Nang sumunod na araw ay kinumpirma din naman agad ni Edu na totoong may relasyon sila ng aktres sa TV news anchor na si Cheryl Cosim. Para naman sa latest vlog ni Lucky Manzano na anak ng aktor sa kaniyang unang asawa noon na si Vilma Santos, naitampok niya ang relasyon ng kaniyang ama at tita Cherry Pie. Ayon sa naging pag-uusap nila ay nagkaroon na pala ng halos isang taon na relasyon ang dalawa 20 taon na ang nakakalipas.

Kinumpirma ito mismo nina Edu at Cherry Pie.


“Tahimik lang kami noon. It was almost a year,” pagbubunyag ni Edu patungkol sa naging relasyon nila ng aktres.

“Hindi niya ako makalimutan,” komento naman ng aktres.

Nang tanungin naman ni Luis ang kaniyang ama kung kamusta ang puso nito ngayon, agad namang sinabi ni Edu na kahit papaano ay nakakahinga na ito ng malalim at punong-puno ng saya. Nagkataon din daw na makalipas ang 20 taon ay magkaibigan pa rin sila.

“Nagkataon, after the twenty years, nanatili kaming magkaibigan. We never drifted apart. We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang mga gatherings, and we would always be talking sincerely. We knew that we still like each other,” Pahayag pa ni Edu.

Hindi rin daw akalain ng aktres na magkakaroon pa silang muli ng pagkakataon ni Edu. Answered prayer kung ilarawan niya ang kanilang relasyon ngayon.

Batid din naman daw nila na gusto nila ang isa’t-isa noon pa man. Hindi lang talaga nagkakaroon ng tiyansa para sa kanila dahil madalas ay mayroong kasalukuyang karelasyon ang isa sa kanila.

“We remained friends and we would always see each other. And then, every time we see each other, you know that there’s something different. Pero me, I always tell him nga, like [magkikita], maghihiwalay na kayo and you’d feel na parang iba… Di ba, may ganoon? Pero I would always dismiss it because your dad has always been a charmer. Yung karisma niya, iba talaga.” Pagkukwento pa ni Cherry Pie.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media