Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, namangha ang maraming mga netizens nang ipasilip niya sa publiko ang napakaganda niyang DIY Christmas decorations!

Published

on

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o mas hinangaan natin bilang si Bea Alonzo ay 34 taong gulang na modelo at aktres. Isa siya sa may pinakamagandang mukha ngayon sa industriya ng showbiz.

Marami na rin siyang nagawang teleserye at mga proyekto na talaga namang nagpamalas ng kaniyang natatanging talento sa pag-arte. Marami man siyang pinagdaanan na pagsubok ay nalampasan niya ang lahat ng ito.

Maging ang kontrobersiya noon sa kanila ng dati niyang nobyo na si Gerald Anderson na nang-ghosting sa kaniya. Makalipas ang ilang mga taon ay mas marami pang humanga at nagmahal sa kaniya.

Marami ring naipagkatiwala na proyekto sa kaniya na talaga namang mas nagpaningning sa kaniya bilang isang artista. At nang taon din na ito ay muling binuksan ni Bea ang kaniyang puso para sa napakaespesyal na tao sa kaniyang buhay ngayon.

Ang kaniyang nobyo na si Dominic Roque na isa ring aktor at modelo. Hindi na nakapagtataka kung bakit inspired na inspired ngayon ang aktres sa kaniyang buhay.


Ito ay dahil sa napakaraming biyaya na kaniyang natanggap at patuloy na natatanggap. Kamakailan lamang ay nagbahagi din siya sa kaniyang vlog ng ilang tips kung paano mapapaganda ang ating mga tahanan para sa araw ng kapaskuhan.

Sa vlog niyang ito ay ibinahagi niya ang tatlong mga Christmas tree na kaniyang inayos sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Gideon Hermosa. Dahil napakahalaga para kay Bea ng scents, sinigurado niyang mayroong dehydrated fruit dito at siyempre, dried flowers na paborito din niya talaga.

Maraming kulay din ang inilagay niya sa kaniyang Christmas tree, nariyan ang kulay Lavender, Silver, White, Orange at marami pang iba. Talaga namang mahahalata kung gaano kakulay at kaligaya ngayon ang kaniyang puso.

Ibinahagi din ni Bea kung paano niya ginawa ang kanilang Christmas wreath. Napaka-romantic at napaka-elegante nitong tingnan.

Nilagyan niya rin ito ng dried flowers at cinnamon barks, simple ngunit nakapagandang tingnan lalo na nang isinabit niya ito sa kanilang pintuan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.