Connect with us

Showbiz

Bagong mga larawan nina Cherry Pie Picache at nobyo nitong si Edu Manzano na i-pinost ng aktres, muling nagpakilig sa maraming mga netizens!

Published

on

Sa panahon natin ngayon na talagang laganap na ang social media ay wala na talaga tayong maitatago pa. Isang post mo lamang ay tiyak na malalaman na ng publiko kung nasaan ka at kung ano ang iyong ginagawa.

Maging ang mga sikat na personalidad tulad ng mga artista ay mas lalo pang lumiit ang mundong ginagalawan. Hindi rin maiiwasan na mas marami nang mga pambabatikos ngayon mula sa mga taong hindi naman natin kakilala ngunit basta-basta na lamang kung manghusga.

Kung tutuusin, hindi lang naman puro negatibo ang dulot ng social media, marami din naman itong mga magandang naidudulot sa atin. Halimbawa na lamang ay maganda at mas maayos na komunikasyon sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay.

Mas madali nang makipag-usap ngayon sa malalayo nating kapamilya kaysa dati na liham lamang at tawag sa telepono ang kaya nating gawin lalo na kung nangungulila tayo sa kanila. Gayundin naman ay maaari nating ibahagi sa ibang tao ang kaligayahan at sayang nararamdaman natin, maging ang mga masasayang alaala ng ating bakasyon kasama ang ating mga mahal sa buhay.


Tulad na lamang ng aktres na si Cherry Pie Picache na minsan nang ibinahagi ang ilang mga larawan ng kanilang New York trip sa social media. Kasama niya ang ilan niyang mga kaibigan tulad na lamang nina Arci Muñoz at Sunshine Dizon.

Siyempre, hindi rin mawawala ang kaniyang nobyo na si Edu Manzano. Marami ang nagulat nang malaman nila ang pagkakamabutihan ang dalawa, ngunit mas marami din ang nagbigay suporta sa kanilang relasyon.

Hindi na lingid sa publiko ang mga nauna na nilang relasyon at ang kanilang mga anak. Naging mabuti rin naman silang asawa at magulang kung kaya naman walang masama na muling pagbigyan nila ang kanilang mga puso na magmahal.

Talagang inaabangan ng publiko ang mga larawang ibinahagi nila sa social media. Nagbibigay kilig talaga ang mga ito sa mga fans nina Edu at Cherry Pie lalo na at kitang-kita naman kasi dito kung gaano sila kaligaya dahil kasama nila ang isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media