Connect with us

Viral

Bagong kasal, nakatanggap ng kotse at lupa sa araw ng kanilang kasal na talaga namang ikinagulat ng publiko!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang talagang binibigyang importansiya ang kasal. Hindi lamang kasi ito pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan kundi pagsasama din ito ng dalawang magkaibang pamilya.

Ang dalawang pamilyang ito ay nagiging isa sa oras na maging opisyal na ang kasal ng dalawang tao. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang maging laman ng social media ang bagong kasal na ito.

Sa halip kasi na maraming paper bills ang nakasabit sa wedding gown ng bride ay mayroong brown envelope na mayroong nakasulat na “Deed of Sale”. Mayroon ding OR/CR na nakasabit at ilang mga lilibuhing pera.

Ayon sa una nang naiulat ng PEP.PH, ang bride na si Criselle Joy Alegre na mula sa Roxas City, Capiz ay kanilang nakapanayam. November 26, 2021 nang ikasal sila ng kaniyang groom na si Al Vin Alegre.
Nagbitiw na sa kaniyang trabaho si Criselle habang ang kaniyang mister naman ay miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group. Nang siya ay tanungin patungkol sa natanggap nilang mga bonggang regalo, nilinaw niyang sasakyan at lupa ang natanggap nila sa kaniyang mga magulang.

“Yes po. Galing po yun sa parents ko. Surprise po. Masaya na emotional kasi hindi namin inaasahan ang blessing na ito,” Komento ni Criselle.

Hindi inaasahan ng bagong kasal na magiging sikat ang ilang mga larawan na ito ng kanilang kasal. Nagulat sila sa dami ng mga positibong komento ng mga netizens na halos lahat ay napa-sana all talaga sa kanilang mga natanggap na wedding gifts.

Marami man daw ang nais mag-interview sa kanilang mag-asawa ngunit hindi nila ito kayang paunlakan sa ngayon dahil sobrang mahiyain daw ang kaniyang mister. Sa ngayon ay nagpapasalamat sila sa maraming mga naka-appreciate sa kasal nilang ito at gayundin sa mga nakasaksi ng kanilang tunay na pagmamahalan.

Hindi rin naman maikakaila ang wagas na pagmamahalan nila para sa isa’t-isa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media