Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, ipinasilip sa publiko ang mga huling araw nila sa Siargao kasama ang kaniyang buong pamilya bago pa sila magtungo sa Maynila at bago pa man manalanta ang bagyong Odette!

Published

on

Marami ang nag-aalala para sa mga kababayan natin sa Siargao at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Talaga namang maraming mga tahanan ang nasira at maraming mga pamilya ang nagdiwang ng Pasko sa mga evacuation center.

Nakakalungkot mang isipin ngunit matagal-tagal pa bago muling makabangon ang mga bayan na ito. Sa kabilang banda, marami namang mga pribadong organisasyon at mga sikat na personalidad na nagtutulong-tulong para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette sa iba’t-ibang panig ng bansa.


Kamakailan lamang ay naglabas din ng kaniyang vlog si Andi Eigenmann na isang kilalang vlogger at dating aktres na naninirahan sa isla ng Siargao. Kasama niya ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kaniyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at Baby Koa sa isla.

Napakaganda at talaga namang napakapayapa ng kanilang lugar. Isa itong paraiso hindi lamang para sa kanila kundi maging sa mga dayuhang turista na bumibisita rito.

Sa naging pananalanta ng bagyo ay nagdesisyon si Andi na i-donate sa mga apektadong pamilya ang kikitain ng kanilang vlog. Sa kanilang vlog ay naibahagi din ng dating aktres na nagkaroon sila ng munting away ng partner niyang si Philmar ngunit agad din naman nila itong naresolba.

Normal lang naman daw sa mag-asawa ang mga alitan o di pagkakaunawaan ngunit kalaunan ay dapat din itong resolbahin kaagad. Makikita rin na ipinagluto ni Philmar sina Andi ng steak katuwang nila sa paghihiwa ng bawang ang kanilang anak na si Lilo.

Sa paglipad nila patungong Maynila ay kasama naman nila ang kapatid ni Andi at sinundo din sila ng kaniyang ina na si Jaclyn Jose. Ang kaniyang partner na si Philmar naman ay mayroong dinaluhang kompetisyon sa Samar.

Dalangin ng pamilya ni Andi at ng maraming mga Pilipino na sana ay agad na makabangon ang isla ng Siargao sa pinsalang kanilang naranasan dulot ng bagyong Odette.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media