Connect with us

Showbiz

Aktres na si Nadine Lustre bumalik sa Siargao upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette!

Published

on

Marami sa mga kababayan natin ang talagang nahirapan nang husto nang nanalanta ang bagyong Odette sa kabisayaan at ilang bahagi ng Mindanao. Talagang naapektuhan ang mga lugar ng Siargao, Southern Leyte, Palawan, at marami pang iba.

Napakaraming mga kabahayan ang nasira maging mga establisyemento. Gayundin naman ay mayroong 375 na nasawi at 500 na sugatan sa pananalanta ng bagyo.

Dahil sa pangyayaring ito ay maraming mga pribadong organisasyon at sikat na personalidad ang naghatid ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo. Isa na nga sa kanila ang aktres na si Nadine Lustre. Maaalalang nitong mga nagdaang buwan ay maraming mga netizens ang nakapansin sa pamamasyal at pamamalagi niya sa Siargao kasama ang kaniyang rumored boyfriend.

Talaga namang mababakas sa kaniyang mga larawan ang magandang karanasan niya sa isla. Ngunit dahil nga sa pananalanta ng bagyong Odette ay kinailangan niyang magbalik muli dito upang tulungan ang mga taong minsan nang napamahal sa kaniya.

Sa ilang mga larawan na kumakalat ngayon sa social media ay makikita ang aktres na siya mismong tumutulong upang maikabit na ang solar power charging station sa isang lugar sa isla. Ayon kasi sa ilang mga ulat ay ilang buwan din ang aabutin bago pa tuluyang maayos ang kuryente sa buong isla kung kaya kailangang-kailangan talaga nila ng tulong sa ngayon.


Naghatid din si Nadine ng ilang mga relief at food packs para sa mga taong naapektuhan ng bagyo. Umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang ginawang ito ni Nadine na kahit daw magbilad sa araw ay hindi niya alintana basta’t makatulong lamang sa mga tao sa isla.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:


“Dapat ganito ang ibang artista. Di puro dada ng dada kesyo anong ginawa ng gobyerno ganito ganyan. sumosuporta pa sa lideratong walang nagawa. Yung babaeng walang pake sa init ng araw. Pero still maganda padin inside and out.” Papuri ng isang netizen.

“Ewan ko ba, pero lalo syang gumaganda habang less arte sa showbiz. Mas gusto ko ang Nadine Lustre ngayon.” Pahayag pa ng isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media