Connect with us

Showbiz

Wedding reception sa kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, agaw-pansin sa publiko dahil sa pagiging enggrande nito!

Published

on

Naging usap-usapan ng publiko ang “whirlwind romance” nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Maaalalang Enero lamang ng taong ito nang mapabalita ang diumano’y pagkakamabutihan ng dalawa.

Ito ay matapos mag-post ng larawan si Ruffa Gutierrez kasama sina Ellen at Derek at ang kanilang alagang aso. Nilinaw nila noon na hindi sila magkarelasyon at pawang magkaibigan lamang. Kakahiwalay pa lamang noon nina Andre Torres at Derek habang si Ellen naman ay walang nobyo at walang dine-date ng mga panahon ding iyon.

Lumipas pa ang ilang mga buwan at wala pa ring kumpirmasyon patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngunit madalas na silang makita nang magkasama sa kanilang mga lakad at bakasyon. Marso 2021 ay labis na ikinagulat ng publiko ang sorpresang wedding proposal ng aktor na agad namang sinang-ayunan ng aktres.

Hindi sila nagbigay ng kahit anong detalye ng kanilang kasal. Hanggang sumapit na nga ang araw ng kanilang kasal, Nobyembre 11, 2021.

Talaga namang napakaganda ng naging selebrasyon ng kanilang pag-iisang dibdib. Detalyado at talaga namang pinag-isipan ng husto ang bawat detalye ng kanilang espesyal na araw.

Napakaganda at blooming ng bride na si Ellen habang marami din ang nakapansin sa pagiging makisig ng aktor na si Derek. Maliban sa matatamis na ngiti at nakakakilig na sulyapan ng bagong kasal ay marami din ang labis na namangha sa wedding reception nila.

“Magical” at talagang “breathtaking” ang ilan sa mga salitang makapaglalarawan dito. Naging napakaespesyal ng lugar at napakaelegante. Katakam-takam din ang mga pagkain at bumabaha din ng mga alak para sa mga bisita.

Bilang mga magulang ay mayroon ding “Play Place” para sa mga kung saan binabantayan sila ng kanilang mga Nanny habang naglalaro. Naroon din ang anak ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Mayroon ding maningning na mga ilaw sa kanilang lalakaran at enggrandeng fireworks na nagpamangha din sa mga bisita.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media