Connect with us

Viral

Virgelyncares, tinulang ang isang lola na nadaan niya at napag-alaman niyang wala na palang makain!

Published

on

Sadyang likas na sa ating mga Pilipino ang tumulong sa mga taong nangangailangan. Malambot ang ating mga puso pagdating sa ganitong mga sitwasyon.

Malapit din tayo sa ating mga lolo at lola kung kaya naman ganoon na lamang ang pagnanais natin na makatulong din sa mga taong kapus-palad lalong-lalo na sa mga matatanda. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa vlogger na si Virgelyncares dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Nang minsang madaanan niya kasi ang isang matandang babae ay hindi siya nagdalawang-isip na kamustahin at tulungan ito. Nang oras pala na iyon ay literal na wala nang makain ang matanda dahil sa labis na kahirapan.

Ang kaniyang anak raw ay mayroong grocery sa Maynila habang ang kaniyang apo naman ay nagtatrabaho sa barko ngunit nakakapagtaka lamang na siya ay nagtitiis sa kaniyang munting barong-barong. Kailangan din niyang maghagilap ng pagkain sa araw-araw para malamnan ang kaniyang kumakalam na sikmura.

Dahil dito ay binilhan ni Virgelyncares ng grocery ang matanda at binigyan pa niya ito ng kaunting tulong-pinansyal. Talaga namang masayang masaya ang lola dahil sa biyaya na kaniyang natanggap.


Nagpasalamat ito sa vlogger at naitanong kung bakit niya ito ginagawa at kung mayroon ba siyang balak na tumakbo sa darating na eleksyon, ito lamang ang naging maiksing sagot ni Virgelyncares:

“Hindi ko na kailangan magkandidato… Adbokasiya ko talaga ang magpaabot kahit pansaing niyo manlang,” pahayag ni Virgelyn.

Madalas na mapapanuod sa mga vlogs niya ang ginagawa niyang pagtulong sa mga taong labis na nangangailangan at talagang hirap sa buhay. Kung kaya naman talagang nakakatanggap din siya ng sobra sobrang pagmamahal at pagsuporta sa ating mga kababayang Pilippino sa loob at labas ng bansa.

Dalangin ng publiko na dumami pa ang mga taong katulad niya na talagang walang ibang hangad kundi ang makatulong sa mga taong labis na nangangailangan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media