Connect with us

Virals

Success story ng Mang Inasal founder na isang college dropout noon ngayon ay kabilang na sa Forbes List of 40 Richest Pinoys!

Published

on

Sino ba naman ang hindi pa nakakatikim ng mga pagkain sa Mang Inasal? Isa sa pinakakilala at binabalik-balikan na fastfood chain sa bansa.

Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi pala naging madali ang lahat para sa founder ng sikat na kainang ito. Si Edgar “Injap” Jaruda Sia II ang nagtatag ng Mang Inasal. Sa edad na 26 na taong gulang, sinong mag-aakala na ang nirentahan n iyang 250 square meter space sa Robinson’s Mall Carpark-Iloilo noong 2003 ay magiging isang malaki at matagumpay na kainan ngayon?

Ang “Mang Inasal” ay nangangahulugang “Mr. Barbeque” sa Hiligaynon. Sa ngayon ay kabilang na si Sia sa “Forbes List of 40 Richest Filipinos”.

Ayon sa ilang nga ulat, hindi pa ganoon kasikat ang pagkaing inasal sa bansa noon. Ngunit dahil na rin sa pangarap ni Sia ay hindi siya nagdalawang-isip na simulan ang plano niyang negosyo.

Bagamat siya ay hindi na nagpatuloy sa kolehiyo, sinigurado niyang matutupad ang kaniyang pangarap pagdating sa negosyo. Naghanap siya ng mga taong makakatulong sa kaniya at mga suppliers na magtitiwala sa kaniya kahit na siya ay nagsisimula pa lamang.

Marami ang hindi tumulong sa kaniya noon ngunit mayroon din namang ilan na nagbigay ng tulong sa kaniya. Hindi nagtagal ay dumami na ng dumami ang kaniyang mga negosyo sa Visayas at Mindanao.


Nagkaroon siya ng 26 na mga branches doon. Taong 2006 nang sinubukan niyang dalhin sa Maynila ang negosyo niyang ito.

Bagamat hindi sigurado sa maaaring kalabasan ay talagang sumugal siya at dito niya sinimulan ang kanilang “Unli Rice” promo na talaga namang tinangkilik ng maraming Manilenyo. Marso 2014 ay mayroon nang mahigit sa 460 stores ang Mang Inasal sa buong Pilipinas na hanggang ngayon ay talagang tinatangkilik pa rin ng marami. Binili na rin ng Jollibee Food Corporation ang 70% ng kompanya sa halagang 3 bilyong piso noong 2010!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.