Connect with us

Viral

Siya pala ang “lucky charm” at nagbibigay inspirasyon sa buhay ng aktres na si Andrea Torres!

Published

on

Sa ating buhay marami tayong nararanasan na pagsubok. Madalas pinanghihinaan tayo ng loob at gusto na lamang nating sumuko.

Ngunit mayroong bagay o di kaya naman ay isang partikular na tao na nagdudulot sa atin upang mas maging matatag at mas magpursige sa buhay. Marahil para sa iilan, ito ang kanilang inspirasyon sa buhay ngunit para sa iilan sa atin ay sila rin ang itinuturing din nilang “lucky charm”. Tulad na lamang ng aktres na si Andrea Torres.

Siya ay si Andrea Elizabeth Eugenio Torres sa tunay na buhay. Siya ay 31 taong gulang na aktres, host, dancer, at modelo.

Hindi lamang siya hinahangaan ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan kundi maging sa pagkakaroon niya ng mabuting kalooban. Isa rin siyang mapagmahal na anak at kapatid.

Kamakailan lamang ay mas hinangaan pa siya marami dahil sa pag-aalaga at pagsuporta niya sa kaniyang nakababatang kapatid na mayroong “special needs”. Ang aktres ang pang-apat sa kanilang magkakapatid ngunit hindi ito naging hadlang upang maapektuhan ang kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang kapatid na si Kenneth.

Noon pa man ay nais na daw niya talaga ng nakababatang kapatid kung kaya naman labis ang naging kaligayahan niya nang isilang ang kaniyang kapatid. Makikita sa mga larawan ng aktres kasama ang kaniyang kapatid kung gaano niya ito kamahal.

Pagbabahagi pa ng aktres, mas naging malapit ang buong pamilya niya sa isa’t-isa dahil nais nilang maalagaan ng husto si Kenneth. Mas naging responsable daw silang lahat dahil kailangan nilang matutukan ang pag-aalaga kay Kenneth.

Kung kaya naman talagang nagsusumikap sa kaniyang trabaho ang aktres. Nang minsang maranasan nila ang “lowest point” noon sa buhay ni Kenneth ay talagang nag-alala sila dahil naging matamlay ito.

Ito ay dahil pala sa “organ failure” ngunit naging maayos din naman ang kaniyang kalagayan. Ngayon ay mas naging malapit pa sila sa isa’t-isa at mas nagtulungan para kay Kenneth at para sa kanilang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media