Connect with us

Showbiz

Sarah Lahbati, ipinasilip sa publiko ang napakasaya nilang camping kasama ang kaniyang mister na si Richard at mga anak na sina Zion at Kai!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon ay talagang nahirapan ang marami sa atin dahil sa pandemya. Maraming mga negosyo ang kailangang magsara, mga empleyado na nawalan ng trabaho, at mga pamilyang hindi halos nagkikita dahil na rin sa panganib ng pandemya.

Buti na lamang at tayong mga Pilipino ay talagang matiisin at matatag lalo na sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Nang medyo lumuwagna ang sitwasyon ng maraming lugar sa bansa ay unti-unti na ring sumusubok ng iba’t-ibang bagay ang marami sa atin.

Tuald na lamang ng pamilya ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Madalas nilang ipasilip sa publiko ang kanilang “family camping”.

Inilarawan ito ng aktres bilang “memories that will stay with me”. Maaalalang unang nating napanuod si Sarah sa 5th season ng reality show na StarStruck.


Nang magkaroon naman sila ng proyekto ni Richard ay doon na nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan. Niligawan diumano ng aktor si Sarah hanggang sa matanggap nito ang matamis niyang “Oo”.

Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak sina Zion at Kai. Kamakailan lamang ay nasilayan natin ang ilang mga kuhang larawan sa naging “outdoor celebration” nila ng kaarawan ni Sarah sa Bulod Campsite. Dito ay nagtayo sila ng tent, kumain ng masarap na pagkain at nag-bonding bilang isang masayang pamilya.

Talaga namang aakalain mong isang panagip lamang ang mga larawang ito ng pamilya ngunit ito pala talaga ang pangarap ng aktres na tinupad naman ng kaniyang pinakamamahal na mister. Hindi pa dito nagtatapos ang sorpresa ng aktor para sa kaniyang asawa dahil sa niregaluhan lang naman niya ito ng 2021 Sarge Green Wrangler JL Rubicon na SUV Jeep.

Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakahalaga ito ng Php4.1 milyon! Maliban sa bagong sasakyan na ito ni Sarah ay dala dala din ng kaniyang mister ang sariling Jeep Gladiator nito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media