Connect with us

Showbiz

Ogie Diaz, itinampok sa kaniyang vlog at binisita si Senador Trillanes sa kaniyang simpleng bahay!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang nasanay na sa mga kilalang personalidad – pulitiko man o artista tiyak na mayroong maganda at magarang tirahan. Ngunit laking gulat ng publiko nang masilayan nila ang simpleng tahanan ng Senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV nang minsan siyang maitampok ni Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel.

Talaga namang hindi naitago ng batikang host at talent manager ang tungkol sa pagiging simple ng tahanan ng senador.

“Sen. eto nga, siyempre first na bisita ko sa bahay mo. Akala ko kasi ‘pag senador, sobrang gagara ng mga bahay. Ang simple lang ng bahay mo pero 12 years kang senador.” Pahayag ni Ogie Diaz sa pag-uumpisa ng kaniyang vlog.

Naitanong din niya ang madalas na tanungin ng ilang mga Pilipino, bilang isang senador ay marahil daw ay marami na siyang naisusubing pera at maaari na siyang makapagpagawa ng maganda at malaking bahay.


“Wala tayong nasubí na para sa gano’n. Pero nag-iinvest din tayo para sa future nu’ng mga bata and in case mawala ako for some reason. So may mga hinuhulugan din na iba’t ibang bagay. Investment o property. Pero dito, happy na ako rito e.” Sagot naman ng senador.

“To be honest, bahay ‘to ng biyenan ko e. So, nasanay na rito ‘yung mga bata,” Dagdag pa niya.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay naitanong ni Ogie ang patungkol sa kaniyang pamilya. Kamakailan lamang pala ay pumanaw ang kaniyang ina sa araw pa mismo ng kaniyang kaarawan na talaga namang naging matinding hamon sa kanilang buong pamilya.

Nawala rin ang ipinagbubuntis ng kaniyang asawa dahil sa stress at ang lahat ng ito ay madalas niyang isisi sa kaniyang sarili. Sa kabila nito ay nananatili pa rin siyang matatag at positibo sa buhay upang maipagpatuloy ang laban na kaniyang nasimulan para sa bayan at para sa mga taong patuloy na naniniwala sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media