Connect with us

Showbiz

Netizen nagulat sa post ni Heart Evangelista na 3 am pa lang ng umaga ay naghahanda na para sa kaniyang trabaho!

Published

on

Para sa maraming mga Pilipino, talagang mahalaga ang pagkakaroon ng isang magandang trabaho. Kapag may maganda ka kasing trabaho ay magkakaroon ka din ng magandang pagkakakitaan at maayos na pamumuhay.

Photo: Heart Evangelista (@iamhearte) Source: Instagram

Dahil dito ay talagang nagsusumikap ang marami na makapagtapos ng kolehiyo upang magkaroon ng diploma at makahanap ng magandang kompanya na papasukan. Habang ang iba naman ay talagang ginagamit ang kanilang diskarte sa buhay upang maging matagumpay.

Ngunit madalas, aminin man natin o hindi, marami sa atin ang nakakalimot sa mga bagay na mayroon tayo. Tulad na lamang halimbawa ng magandang trabaho, sa halip na magpasalamat ay madalas na nagrereklamo pa tayo dahil sa pagod, hirap, at mga sakripisyo na kailangan nating gawin para lamang sa napili nating trabaho.

Ngunit hindi pala dapat ganoon. Dapat ay matuto tayo na maging mapagpasalamat, responsible, at disiplinado.

Tulad na lamang ng aktres, singer, TV host, endorser, visual media artist, philanthropist, socialite, at first lady ng probinsiya ng Sorsogon na si Heart Evangelista-Escudero. Ikinagulat ng maraming mga netizens ang kaniyang post kamakailan lamang kung saan bandang alas-tres ng madaling-araw ay nagkakape na ito.

Ayon pa sa sikat na aktres, gusto niya talagang sinisimulan ng maaga ang kaniyang araw lalo na kung punong-puno ang kaniyang schedule. Dahil sa disiplina niyang ito ay hindi na nakapagtataka na maraming mga international designer brands ang kumukuha at n agtitiwala sa kaniya.

Kung maraming mga Pilipino ang nasanay na sa “Filipino Time”, iba ang pananaw ni Heart dahil nais niyang maging propesyonal at disiplinado sa lahat ng bagay lalo na at maraming mga tao ang kaniyang naiimpluwensiyahan sa ngayon. Hindi biro ang kakayahan ng mga sikat na personalidad na maimpluwensiyahan ang kanilang mga tagahanga at lalong lalo na ang mga kabataan.

Kung kaya naman dapat lang talagang maging responsable at disiplinado sila sa lahat ng oras. Ikaw, madalas ka din bang late sa eskwela o trabaho?

Source: Instagram


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media