Connect with us

Showbiz

Miracle baby ng mag-asawang Jules Ledesma at Assunta De Rossi nagdiwang na ng kaniyang 1st birthday!

Published

on

Para sa marami sa atin, ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya ng isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap natin sa ating buhay. Maraming kababaihan ang nangangarap na maging isang ganap na ina, magawang magbuntis at magsilang ng sarili nilang mga anak.

Ngunit hindi lahat ng mga kababaihan ay nagkakaroon ng pagkakataon na magdalang-tao marahil ay dahil na rin sa kanilang edad o di kaya naman ay mayroon silang karamdaman. Ngunit kahit pa nga sabihin sa kanila na imposible na silang magkaroon ng anak ay talagang hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa.

Sinisikap pa din nilang magpakatatag at maging positibo. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang aktres na si Assunta De Rossi ay matagal nang nagnanais ng anak.
Sa halos 16 na taong paghihintay ay nabiyayaan din sila ng anak at pinangalanan nila itong Giulia Fiorentina Alessandra o baby Fiore. Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang unang taong kaarawan si Baby Fiore na talaga namang pinaghandaan ng kaniyang mga magulang.

Napakaganda ng balloon decorations at mayroon din siyang simple ngunit napakagandang cake na mayroong pangalan niya. Marami din ang natuwa sa napakagandang outfits ni baby Fiore tulad na lamang ng kaniyang maroon-colored dress at ang kaniyang light blue dress habang buhay siya ng kaniyang Mommy Assunta.

Binati din naman siya ng kaniyang tita Alessandra de Rossi ng isang mensahe para sa kaniyang kaaarawan at sinabi nitong “I thank you Lord every day for our greatest miracle. We love you Fiore.”

Hindi rin naman matanggal ang labis na kaligayahan nina Jules at Assunta para sa espesyal na araw na ito ng kanilang anak. Tunay nga na marami na rin silang pinagdaanan noon bago pa man sila magpakasal. I

to ay dahil sa 22 taong agwat ng kanilang edad. 19 taong gulang lamang ang aktres ng pakasalan niya ang 41 taong gulang na si Jules. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan dahil pinatunayan nilang tunay ang pag-ibig nila para sa isa’t-isa.

At ngayon nga ay nabiyayaan na sila ng isang napakagandang anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media