Connect with us

Showbiz

Mga larawan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang wedding reception talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens!

Published

on

Marami ang labis na nagulat nang mapabalita ang engagement nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo matapos ang halos anim na taong relasyon bilang magkasintahan. Kaugnay nito ay masaya rin nilang ibinahagi na nasa first trimester na ng kaniyang pagbubuntis ang Kapuso actress.

Taong 2010 hanggang 2011 ay naging magkarelasyon din ang dalawa ngunit nagdesisyon din silang maghiwalay. Ngunit ngayon ay talaga namang masasabing sila na nga ang itinadhana para sa isa’t-isa at mayroon pang isang biyaya na ibinigay sa kanila ang Diyos.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang plano nilang sumailalim sa surrogacy dahil hirap na ding magbuntis ang aktres at mayroon din siyang nararamdaman sa kaniyang puso. Hanggang nito lamang Nobyembre 15, 2021 ay naidaos na nga ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ang venue ng kanilang kasal ay walang iba kundi ang nakapagandang studio ni Kathryn Bernardo. Maraming mga larawan din ng bagong mag-asawa ang nasilayan ng publiko at talaga namang marami ang namangha sa pagiging simple ngunit napaka-eleganteng kasal ng dalawa.

“Emerald green” at “gold” ang theme ng kanilang kasal na talaga namang napaka-relaxing at napakagandang kombinasyon. Labis din silang nagpasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maidaos ang kanilang simpleng kasalan.

Maging ang kasuotan nilang dalawa ay simple amang ngunit makikita pa rin ang angking kagwapuhan at kagandahan ng bawat isa. Espesyal din ang naging handang pagkain sa kanilang wedding reception na piling-pili lamang din ang dumalo.

Maraming mga celebrities at mga netizens din ang bumati sa pag-iisang dibdib ng Kapuso stars. Tunay nga na walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan lalo na kung wagas ang pag-ibig nila para sa isa’t-isa.

Masayang masaya din naman ang kanilang mga anak na sina Calix Andreas Ho at Alex Jazz Mercado sa espesyal na araw nilang ito. Ngayon naman ay dalangin ng kanilang mga kaibigan at kapamilya na maging ligtas ang pagbubuntis ni Jennylyn.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media