Connect with us

Showbiz

Mga aktor na sina Ejay Falcon at JM de Guzman, ibinahagi sa publiko ang natanggap nilang “Special Award” mula sa Philippine Air Force

Published

on

Hindi na bago sa industriya ng showbiz ang pagpasok ng mga iniidolo nating personalidad sa Philippine Air Force, Philippine Navy at maging sa Philippine Army. Hindi lamang mga aktor dahil maging ang mga aktres na kilala natin ay hindi na rin nagdadalawang-isip na subukan ito.

Nais kasi nilang maglingkod at magbigay serbisyo sa ating bansa sa abot ng kanilang makakaya. Kamakailan lamang ay mayroong dalawang aktor na nakatanggap ng “Special Awards” mula sa Philippine Air Force.

Ito ay walang iba kundi sina Ejay Falcon at JM de Guzman. Si Ejay Lasap Falcon o mas nakilala na natin bilang si Ejay Falcon ay 31 taong gulang na aktor, modelo, endorser at pulitiko.

Taong 2008 noon nang mabigyan siya ng break sa showbiz matapos niyang magwagi sa “Pinoy Big Brother”. Samantala, si JM de Guzman naman ay si Juan Miguel Gob de Guzman sa tunay na buhay.


Siya ay 33 taong gulang na. Isa siyang aktor mixed martial artist, modelo, at singer. Ang dalawang aktor na ito ay nagbigay inspirasyon sa publiko matapos nilang makatanggap ng isang “Special Recognition Award” mula sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Air Force.

Ibinahagi ni JM ang natanggap niyang parangal sa kaniyang social media account noong ika-30 ng Oktubre. Ito ay pagkilala sa naging paglahok niya at pagiging aktibo sa mga naging relief operations na isinagawa naturang ahensya.

 

Nakatanggap din naman si Ejay Falcon ng pagkilala dahil sa kaniyang mga nilahukang aktibidad sa panahon ng krisis. Nakatulong ang aktor sa “overall accomplishment” ng PAF kung kaya naman karapat-dapat din siyang makatanggap ng pagkilala na ito.

Maaalala na Nobyembre ng nagdaang taon ng maging PAF reservist-sergeant si JM pagkatapos niyang makumpleto ang kaniyang “Basic Citizen Military Training”. Samantalang si Ejay naman ang naunang naging PAF reservist nang matapos niya ang kaniyang 30-day kaniyang “Basic Citizen Military Training” noong 2019.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media