Connect with us

Showbiz

Megastar Sharon Cuneta, ginulat ang publiko nang ibahagi niya ang kaniyang weight loss journey mula sa XXL na size noon na Medium na ngayon!

Published

on

Kahit bago pa man maminsala ang pandemya sa iba’t-ibang panig ng bansa ay marami na talagang mga Pilipino ang nahihirapang magbawas ngkanilang timbang. Marami ang nagsasabi na dahil sa namamana raw talaga ang pagiging mataba o di kaya naman ay mayroon na silang karamdaman kung kaya naman hindi na din nila magawang mag-ehersisyo o maging maingat sa kanilang mga kinakain.

Mayroon din namang iilang mga Pilipino na aminadong malakas talaga sila sa pagkain at hindi nila nililimitahan ang kanilang sarili sa pagkain ng matatamis at iba’t-ibang uri ng pagkain. Madalas ay hindi na rin sila nakakapag-ehersisyo at mayroon ding mga bisyo.

Hindi lamang ito problema ng marami sa atin kundi maging ng mga iniidolo nating artista. Tulad na lamang halimbawa ni Megastar Sharon Cuneta na halos anim na taong sumubok na mabawasan na ang kaniyang timbang.

Enero 2016 nang napagdesisyunan niyang magbawas-bawas na ng timbang dahil napapansin niyang talagang lumolobo na ang kaniyang katawan at nakakaranas na rin siya ng pangungutya mula sa maraming tao. Naisip din niyang nais niyang maging malusog para sa kaniyang pamilya at para sa mga magiging apo niya sa kaniyang mga anak.

Marami na siyang sinubukang diet pero wala ring naging magandang epekto ang mga ito. Ngayon ay hindi na XXL ang kaniyang size kundi Medium na!

Kung kaya talaga namang masayang masaya ang batikangsinger at aktres dahil sa wakas ay unti-unti na niyang nakakamit angkaniyang pangarap na timbang. Ibinahagi din ni Megastar sa publiko na hindi niya tinanggal “totally” ang carbohydrates sa kaniyang pagkain ngunit binawasan lamang niya ito.

Hindi rin daw siya mahilig sa matatamis at hindi madalas mag-ehersisyo. Ngunit nagbalik daw ang hilig niya sa isports na swimming kung kaya naman kahit papaano ay mas active na siya ngayon kumpara dati.

Marami naman angbumati sa malaking pagbabago na ito ng sikat na singer. Nagsilbi din siyang inspirasyon sa mas maramingmga nanay at Pilipina na mas alagaan pa ang kanilang katawan hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media