Connect with us

Viral

Magkapatid, muling nagkita at nagkasama pagkalipas ng limang taon dahil sa Twitter!

Published

on

Wala tayong ibang inspirasyon sa buhay kundi ang ating mga mahal sa buhay. Nagsusumikap tayong makamit ang ating mga pangarap dahil nais natin na sila ay magkaroon ng maayos at magandang buhay.

Ngunit hindi lahat sa atin ay mayroong kumpletong pamilya. Mayroon tayong kaniya-kaniyang pagsubok na ating pinagdaraanan. Halimbawa na lamang ang mabigat na suliranin ng Twitter user na nakilala ng publiko sa username niyang Nathan.

Mayroon siyang kapatid na lalaki na matagal na nilang hinahanap ngunit talagang wala silang natagpuan at nakitang bakas o impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng kaniyang nakababatang kapatid. Makalipas ang limang taon ay napagdesisyon ni Nathan na gamitin na ang social media upang humingi ng tulong.

Ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Yehezkiel (Eskil) na mayroong “speech disorder” at nasa 13 taong gulang na.

“TWITTER PLEASE DO YOUR MAGIC! I am trying to find my brother who has been missing for several years. The last time he was home was around 2015 to 2016. We’ve tried looking everywhere and have even reported it to the police but have not gotten any results.” Pakiusap ni Nathan sa kaniyang post.

“If anyone has seen him or knows his whereabouts please do message me,” dagdag pa niya.


Sa pagkakaalala ni Nathan, umalis ang kaniyang kapatid noon matapos humingi ng pera sa kaniyang ina at hindi na bumalik pa. Nang mga panahong iyon ay hindi na lingid sa kaalaman nilang magkapatid ang planong paghihiwalay ng kanilang mga magulang.

Bagamat wala silang kasiguraduhan kung ito nga ang dahilan kung kaya hindi na bumalik ang kaniyang kapatid, nais pa rin nila itong makitang muli. Hindi rin nagtagal at mayroong mabuting babae ang kumontak kay Nathan mula sa isang ampunan na tinutuluyan pala ng kaniyang kapatid.

Tunay nga na mahigpit na yakap ang agad niyang naging pagkamusta sa kaniyang nawalay na kapatid.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media