Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, nagbihis bilang Pokemon characters kasama ang anak nilang si Amari para sa Halloween season!

Published

on

Tanyag ang bansang Pilipinas pagdating sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Marami sa atin ang talagang sanay na sa mahigit tatlong buwang pagdiriwang natin ng Pasko ngunit para sa ilang mga dayuhan ay sobrang mahaba na ito dahil isang araw lang naman nila ipinagdiriwang ang Araw ng Pasko.

Hindi lamang Pasko ang madalas ipagdiwang ng mga Pilipino dahil sa naimpluwensiyahan na rin tayo ng ibang mga bansa na ipagdiwang ang Halloween season. Sa katunayan, madalas nga nating abangan ang mga Halloween costumes ng mga paborito nating personalidad.

Talaga namang hindi papahuli at papakabog ang mga sikat na personalidad na ito sa kanilang mga “witty” at nakakatuwang mga costumes. Isa na marahil sa mga Halloween costumes na kinagiliwan ng mga netizens ang entry ng pamilya Crawford.

Nagbihis ala-Pokemon characters kasi ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang unico hijo nilang si Baby Amari. Si Billy ang nagbihis bilang si Ash habang si Coleen naman si Misty.


Ang anak nilang si Amari ay napaka-cute sa kaniyang Snorlax costume habang si Yaya Joy ay si Nurse Joy naman. Ang kapatid ng aktres na si Luis Garcia ay si Charmander.

Hindi rin naman nagpahuli ang alagang aso ng celebrity couple na si Tamomo dahil nagbihis ito mala-Pikachu. Labis na kinagiliwan ng publiko ang costume nila. Kitang-kita rin naman sa kanilang mga mukha ang labis nilang kaligayahan sa simpleng “bonding moment” na ito ng pamilya.

Marami din sa kanilang mga fans at supporters ang humahanga sa mag-asawa dahil sa saksi sila sa mga “milestones” ng kanilang anak. Hindi man naging madali ang karanasan nila at ng bawat isa sa atin dahil sa pandemya ay marami pa rin silang dahilan upang maging masaya at kuntento sa buhay tulad na lamang ng pagiging buo nilang pamilya.

Tunay nga na wala pa ring hihigit sa kumpleto at masayang pamilya lalo na kung mayroong mga ganitong selebrasyon, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media